NANAWAGAN sa isang local radio station ang isang matandang babae na biktima ng bagyo para sa mga pagkain at tubig na kailangan ng kanyang pamilya. Nagkataong nakikinig ang isang mayamang lalaki na nagkataong atheist (walang kinikilalang Diyos) at naisip niyang biruin ang kawawang babae. Isinulat niya ang address nito na sinabi sa bahagi ng kanyang panawagan. Kumuha siya ng maraming de lata, tubig at iba pang masasarap na pagkain sa kanyang bodega na istakan ng mga pagkain. Inilagay ito sa malaking kahon. Tinawag niya ang sekretarya.
Ihatid mo ang mga relief goods na ito sa address na isinulat ko sa kahon. Magpahatid ka sa aking driver.
Sir, sasabihin ko ba ang inyong pangalan kapag itinanong ng recipient kung sino ang nagbigay?
Huwag. Sabihin mo na lang na galing ‘yan sa demonyo.
Bakit ho ? Nangalisag ang balahibo ng sekretarya.
Para maisip nila na walang Diyos. Naiinis ako sa mga tao na kapag may dumating sa kanilang tulong, ang iniisip kaagad nila ay tinulungan sila ng Diyos. Masaya ang Diyos na iyan. Lagi na lang siya ang nabibigyan ng kredito ng mga tao.
Tuwang-tuwa ang matandang babae at pamilya nito nang tanggapin ang maraming pagkain. Sa sobrang gutom, kinain kaagad nila ang mga pagkain. Matapos magpasalamat sa sekretarya ay hindi na nagtanong ang babae kung kanino galing ang mga pagkain.
Lola, gusto po ba ninyong itanong kung kanino galing ang pagkain?
A, pasensiya na ineng, nakalimutan ko. Kanino ba ito galing?
Sa…sa… demonyo po.
Sa halip na magulat at mangingilabot ang matanda at kapamilya nito, nagsingiti ang mga ito sabay taas ng mga kamay at taimtim na umusal ng “Salamat po Panginoong Diyos!â€
Tapos nagsalita ang matanda sa sekretarya: Nagpapatunay lamang na ang Diyos ang pinakamakapangyarihan sa buong sanlibutan. Biruin mo, napasunod niya pati ang demonyo para padalhan kami ng pagkain!