^

Punto Mo

Laban vs illegal drugs, palakasin pa

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang African national na pinaniniwalaang miyembro ng international drug syndicate ang nadakip kahapon ng pinagsanib na puwersa ng  pulisya at NBI sa Las Piñas City.

Nakuha rito ang hindi pa matiyak na dami ng shabu na nakapakete   at handa nang ibenta.

Si Thank God Ekenedilichukwu Agu ay natunton ng Las Piñas Police at NBI  sa nabanggit na siyudad ay sinasabing miyembro ng West African Drug Syndicate na nag-ooperate sa bansa.

Kamakailan lamang nagpahayag nang pangamba ang mga kinauukulan tungkol sa pagpasok  na sa bansa ng Mexican drug cartel  na Sinaloa na itinuturing na pinakamalaki at pinakamakapangyarihan drug group  sa buong mundo.

Ito ay matapos ngang  masabat sa  isang farm sa Lipa City  sa Batangas, ang  sinasabing pinagkutaan ng sindikato sa droga na konektado umano dito.

Tatlo katao ang nadakip sa operasyon sa Batangas kabilang ang isang Chinese   at ang mag-asawang Pinoy kung saan nasamsam sa kanila ang may 84 na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng may P420 milyon.

Ayon pa sa PDEA, bunsod ng ginawang paghihigpit ng US laban sa cocaine kung kaya humanap ang grupong ito ng panibagong lugar na kanilang mapagsasagawaan ng operasyon.

Noon din lang nakaraang taon nasa P10 milyong halaga ng shabu ang nasamsam din ng PDEA sa isinagawang operasyon sa lungsod Quezon kung saan isang Tsino rin ang nadakip.

Sa dami nang nasasamsam na droga sa mga isinasagawang operasyon sa bansa, hindi rin malayo na marami-rami na rin ang nakakalat sa ngayon at kahit paunti-unti ay nailulusot o naibebenta sa ibaba.

Ilang krimen na rin ang sinasabing naganap na ang dahilan ay droga.

Ilang insidente na nang pagpatay ang naitala, na ang mga biktima ay sinasabing posibleng may kinalaman sa droga, dahil mismong nakukuha sa kanila ang mga ebidensiyang drugs.

Mukhang ang pinag-uugatan  talaga ng mga karumal-dumal na krimen na ito ay ang  ipinagbabawal na gamot na ito marahil ang dapat na matumbok na masolusyunan dahil mas maraming buhay ang sisiraan at kukunin nito kinalaunan.

Hindi nga ba’t sa survey na ginawa ng Dangerous Drug Board kung saan lumabas na umabot na sa 1.7 milyong Pinoy sa bawat komunidad ang gumagamit ng ilegal na droga.

Hindi rin malayo na pabata nang pabata na ang natututong gumamit nito kaya dapat na mas lalo pang paigtingin ang paglaban dito.

BATANGAS

DRUG BOARD

DRUG SYNDICATE

ILANG

ISANG AFRICAN

LAS PI

LIPA CITY

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with