‘Anomalya sa Conditional Cash Transfer Program’
MARAMI sa mga kababayan natin ang umaasa sa Conditional Cash Transfer Program na kilala rin sa tawag na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Layunin ng programang ito ng pamahalaan na maiangat kung hindi man maresolba ang lumalalang kagutuman nang malaking porsyento ng pamilyang Pilipino.
Ang CCT Program ay nasa pangangasiwa ng Department of Social Welfare and Development.
Dahil isa ito sa mga programa at prayoridad ng kasaluku-yang administrasyon, taon-taon, milyones ang inilalaan na pondo rito.
Bawat mahihirap na pamilya na pasok sa kwalipikasyon ng ahensya, makakatanggap ng tulong-pinansyal para sa kalusugan at edukasyon partikular ng mga batang may edad 0 hanggang 14.
Nitong mga nakaraang araw, naungkat ng Commission on Audit ang umano’y iregularidad sa Conditional Cash Transfer Fund.
Sa ulat ng COA, marami ang nakitang double entry na nakatala sa data base o payroll ng DSWD.
Ayon sa datus, 4,443 na mga pamilyang benepisyaryo ang nadoble ang pangalan sa tala simula noong Enero hanggang Agosto ng taong 2012.
Bukod pa dito ang 7,782 na mga pamilyang wala sa beripikado at opisyal na talaan ng National Household Targetting Office na nakatanggap ng ayuda mula sa P50.1 milyong pisong pondo.
Sa isyung ito, tahasang sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na “maliit†lang na pagkakamali ang dobleng pagkakatala ng mga benepisyaryo at napakadali lang ayusin at tuwirin.
Ang kanyang dahilan, marami sa mga benepisyaryo ang magkakapareho ang pangalan at apelyido at hindi lang nila naitala sa kanilang data base ang middle name.
Ito ngayon ang sinisisi ni Soliman kung bakit nagkamali-mali ang kanilang pay roll system.
Sa kuwestyunableng datos na ito ng DSWD, nalalagay tuloy sa alanganin ang kanilang integridad sa paglalabas ng ayuda sa mga mahihirap na kababayan.
- Latest