Babaing Italian: Law student ibinibenta ang hubad niyang pictures para makabili ng bagong scooter

GUSTO ni Mary (hindi sinabi ang apelyido) isang Law student sa Naples, Italy na magkaroon ng cash para makabili ng bagong scooter. Subalit wala siyang pera. Hindi sapat ang kanyang sinusuweldo sa pinagtatrabahuhan kaya nag-isip siya ng paraan kung paano magkakapera at mabili ang pinaka-mimithing scooter.

Ang ginawa niya, nag-set up ng Facebook page. Hindi siya naglagay ng anumang pictures sa kanyang social networking site.

Sa halip, may hawak siyang cardboard na natatakpan ang kanyang mukha subalit nakalitaw naman ang nakatutuksong cleavage ng kanyang mga suso. Nakasulat sa cardboard ang detalye kung paano niya ibinibenta ang kanyang mga hubo’t hubad na pictures ganundin kung magkano niya ibinibenta ang mga ito.

Bukod sa pag-aanunsiyo niya sa Facebook ng kanyang unique deal, nag-distribute rin siya ng fliers sa kanilang siyudad.

Ganunman, natuklasan na ng mga staff ng University of Naples Federico II na pinag-aaralan ni Mary ang tunay niyang identity. Nabuking na ang kanyang raket makaraang tumawag sa unibersidad ang concerned parents.

Subalit sinabi naman ni Mary na wala siyang ginagawang masama. Marami na umano siyang naibentang larawan niya on line at malapit nang mabili ang pinaka-aasam na brand new scooter.

Show comments