^

Punto Mo

Uok (29)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT ayaw mong pabayaran, Tiyo?” tanong ni Drew.

“Basta. Sa iyo na lang ang kuwintas na ‘yan.”

“Talaga?’’

“Oo. Napulot ko lang naman. At saka aanhin ko naman ‘yan. Makita pa sa akin ni Tiya Encarnacion mo e paghinala-an pa akong may pagbibig- yan kaya meron niyan.’’

“Kahit P2,500 ayaw mong pabayaran?”

“Hindi nga. Sa iyo na nga lang. Pero ingatan mo ang kuwintas ha. Hindi basta-basta yan.’’

“Opo. Itatago ko.’’

“Wala kang pagbibigyan?”

“Wala po. Basta gusto ko lang ang kuwintas.”

“Sige. Ikaw na ang may-ari niyan.’’

“Pero paano po kung me­rong magtanong tungkol dito?”

“Palagay ko walang magtatanong. Wala nang may balak pumunta diyan dahil wala nang tirahan.”

“Paano kung itanong ng anak ni Uok?”

“Yung babaing nagbakas-yon diyan noong summer?”

“Opo.”

“E di sasabihin kong wala akong nakita. Pero imposible, Drew na may pumunta pa rito para lang itanong ang kuwintas. Wala na ngang titirahan. Saan siya titira?”

“Sabagay, Tiyo. Siguro tala­gang sa akin ang kuwintas na ito.’’

“Oo nga. Talagang sa’yo yan.’’

“Itatago kong mabuti, Tiyo. Maski kay Daddy hindi ko sasabihin na may kuwintas ako.’’

“Oo.’’

“Meron lang akong itata­nong Tiyo. Tungkol po kay Uok. Ano po bang itsura ng taong iyon?”

“Ba’t mo naman naitanong?”

“Wala po. Basta, naitanong ko lang po.”

“Guwapo ang hayop na yun. Mukhang artista. Kahawig ng namayapang actor na si Rudy F.’’

“Ah guwapo nga.’’

“Kaya madaling maka-bola ng babae.’’

 

DALAWANG linggo rin na nagbakasyon si Drew kina Tiyo Iluminado. Tapos na ang sem break. Umuwi siya ng Maynila.

Itinago niya ang kuwintas.

Malaki naman ang kutob niya na makikita na ang anak ni Uok. Tiyak niya, sa babaing iyon ang kuwintas na nakita ni Tiyo.

(Itutuloy)

 

ITATAGO

KUWINTAS

LANG

OO

OPO

PERO

TIYO

UOK

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with