HINDI lamang sa mga malalakas na paputok dapat maging alerto ang mga awtoridad kundi lalo na sa mga magpapaputok ng baril habang papalapit ang pagpapalit ng taon. Kung ang mga paputok na “Super Yolandaâ€, “Goodbye Napoles†at “Sinturon ni Hudas†ay nangwawasak ng kamay at nakapipinsala ng mga mata, mas lalong delikado ang bala ng baril na maaaring maglagos sa bunbunan at tumagos sa utak. Hindi mabubuhay ang sinumang tamaan ng bala sa ulo. O kung mabuhay man, gulay na at walang silbi. Ang isang bala na pinakawalan ng mga iresponsableng gun owner ay maaaring tumapos sa buhay at masira na ang kinabukasan. Damay pati ang pamilya lalo kung ang tinamaan ng ligaw na bala ay ang ama na naghanapbuhay.
Ayon sa Department of Health mayroon nang siyam na biktima ng stray bullet mula Disyembre 21, 2013. Ang unang kaso ng tinamaan ng ligaw na bala ay naganap sa Ormoc City nang isang 23-anyos na lalaki na nakaupo sa loob ng kanilang bahay ang tinamaan ng bala sa kaliwang binti. Noong Disyembre 24, isang lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa Marikina City. Naglalakad sa Daang Bakal St. Bgy. Nangka ang lalaki nang tamaan sa kanang binti ng bala. Dinala siya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.
Tinamaan din ng bala ang isang babae sa Bgy, PiÂnagsama, Taguig City. Nakatayo umano sa harapan ng kanilang bahay ang babae nang may pumutok. Pagkaraan ay namanhid ang kanyang binti at natumba siya. Dinala sa Taguig-Pateros District Hospital ang babae.
Sino ang makakalimot sa nangyari sa 7-taong gulang na batang babae sa Caloocan City na tinamaan ng ligaw na bala sa ulo. Nanonood ng fireworks display si Stephanie Nicole Ella, Grade 1 pupil sa Tala Elementary School, Caloocan City nang tamaan ng bala. Isinugod sa East AveÂnue Medical Center sa ospital si Nicole subalit namatay ilang oras makaraan ang bagong taon. Hanggang ngayon, hindi pa nahuhuli ang nakapatay kay Nicole. Hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Nicole.
Hindi na dapat maulit ang malagim na pangyayari. Hindi lamang ang PNP ang dapat maging alerto kundi ang mamamayan na mismo. Makiramdam sa paligid at ipagbigay alam sa mga awtoridad ang magpapaputok ng baril. Kung magkakaisa sa pagsusuplong sa magpapaputok ng baril, walang mamamatay sapagkat maiiwasan. Magsama-sama sa pagsusuplong sa mga “utak-bang-bangâ€.