^

Punto Mo

Kawatang paslit

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May mga sumbong po tayong natatanggap patungkol sa mga paslit na patuloy na ginagamit ng grupo ng mga kawatan sa kanilang mga operasyon sa pandurukot at pang-iisnatch sa mga mataong lugar sa Metro Manila.

Dyan lang sa Maynila, karamihan   mga dayuhan ang madalas na binibiktima ng mga paslit na sinasanay ng sindikato.

Ilan na nga bang turista ang naagawan ng mga mahahalagang gamit at nadukutan sa lugar ng Malate. Ang mga suspect na paslit ay nasa edad, 5 hanggang 9-anyos.

Maging sa mga ilalim ng tulay sa kahabaan ng Edsa nagkalat ang mga batang ginagamit ng kawatan.

Sa kahabaan ng España, nandyan din ang mga batang nagsasabitan sa mga jeep at kapag nakakuha ng tiyempo, aagawin ang bag ng mga pasahero.

Ang nakakatakot pa, kay liliit aba’y nakikipagpatintero sa mga sasakyan.

Sabit dito, lipat sa kabila, sabit doon at kahit tumatakbo ang mga sasakyan hababulin para lamang makasabit.

Napakadelikado pa sa lansangan, kapag nadisgrasya driver ang magdurusa.

Hindi lang sa ganitong mga modus nagagamit ng mga sindikato ang mga paslit, hindi nga ba’t maging sa pagtutulak ng droga ay ginagawang courier ang mga menor de edad.

Katwiran ng sindikato, walang kulong ang mga ito sakaling mahuli.

Lalu na ngayon na abala ang paligid dahil sa holiday season, mas lalong dumami ang mga bata o menor de edad na ginagamit ng grupo ng mga kawatan sa iba’t iba nilang modus.

Dapat na matutukan  ng mga awtoridad at mga opisyal sa pamahalaan partikular ang DSWD ang mga batang ito na maagang namulat sa ganitong ilegal na mga gawa.

Dapat ngayon pa lamang ay masagip o maiwas na sila sa kamay ng mga sindikato habang hindi pa huli at hindi pa tuluyang nasisita ang kanilang kinabukasan.

Kung hindi masasagip ang mga ito mas lalo ring magi­ging problema sa lipunan.

DAPAT

DYAN

EDSA

ESPA

ILAN

KATWIRAN

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with