^

Punto Mo

‘Bawal ang umayaw’

- Tony Calvento - Pang-masa

IBA ang salita, iba ang pagkain… kakaiba ang amoy. “Balisa ako ‘di ako makatulog ng mahimbing. Naninibago ako…” ani ng isang OFW.  Ganito ang pinagdaanan ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na si Maria Virginia Hecto o “Berry”, 48 anyos nung mga unang gabi niya sa bansang Kuwait, Saudi Arabia. Laking Mandaluyong City si Berry. Panganay siya sa anim na magkakapatid. Mula ng mahinto sa pag-aaral ng kursong Commerce sa Jose Rizal College nasa isip na niyang lumabas ng bansa para magtrabaho. “‘Di naman ganun kadali. Sa garments factory sa Taguig ako unang nagtrabaho sa loob ng pitong taon. Tapos nalipat ako sa Mandaluyong, anim na taon naman ako dun,” kwento ni Berry. ‘Cut and sew’ ang naging trabaho ni Berry sa pabrika.

“Nung makaipon ako gustong gusto ko na talaga mag-OFW. Kapag aalis na ko natataong pakyawan ang gawa kaya ‘di ako natutuloy,” ani Berry. Humina ang gawa sa pabrika kaya’t ‘di na nagpapigil si Berry na magpunta sa Saudi. Tinulungan siya ng tiyahing si Marissa—factory worker din sa Kuwait. Si Fushcia Ali ang naging ‘employer’ ni Berry. Taga tabas at tahi ng mga damit ng Arabo ang trabaho niya dito. Kumikita siya ng halagang 150KD o humigit Php20,000 kada buwan. Kada tatlong buwan siya kung magpadala. “Kapag malaki palit saka ako nag­huhulog ng pera. Iyon ang pinanggagastos ni Nanay at pang-tuition ng mga pamangkin ko” sabi ni Berry.

Dalawang taon lang sana ang kontrata niya subalit pina-‘extend’ pa siya ng amo ng halos dalawang taon. Nag-‘exit’ siya sa Al Rafhgi, KSA. Kada tatlong buwan tinatakan siya ng ‘working visa’ o ‘Iqama’.  Mayo 04, 2013 tuluyang natapos ang kontrata ni Berry. Dito lang siya nakauwing ng Pilipinas. Nagbakasyon si Berry sa Pampanga at naghintay ng tawag kay Marissa para sa bagong mapapasukan sa Kuwait. “Nainip ako… medyo matagal na kasi wala pang tawag,” wika ni Berry. Nirekomenda sa kanya ng inang si Violeta, 71 anyos ang Placewell International Services Corp., Ermita Manila. Kwento daw ng ina sa kanya, napaalis ng ahensya ang malayo nilang kamag-anak papuntang Alcobar. Isang buwan lang daw ang hinintay. Naging interesado si Berry sa bilis ng pagpapaalis. Agad siyang nagpunta sa opisina ng Placewell, nakausap niya dun si “Grace”, ‘agent secretary’ daw.

‘Ready Visa’ umano sila. Paspasan daw ang ginawang pag-aapply. Pinapirma siya sa ‘application form’. Sinabihang magpa-‘medical’ at magpa-‘renew’ ng pasaporte. May schedule na nun si Berry para sa kanyang passport renewal subalit pina-cancel daw ito ni Grace. “Sila na daw ang bahala. Pinamedical nila ko nagbayad ako ng halagang Php4,300. Clear naman ako,” kwento ni Berry. Ika-27 ng Hulyo 2013 pinabalik siya ng ahensya. Binigyan umano siya ng pekeng kontrata at itine­rary ng ‘flight’ niya. Date Issue: July 14, 2013. Flight Info: July 27, Sat. Departure. July 28, Sun Arrival--Dubai.

“Dalhin ko daw yun kasama ng lumang passport ko sa DFA. Kinabahan ako kasi mga peke dala ko pero sumunod na lang ako,” ani Berry.

Nagtanong siya sa DFA kung saan magpapa-renew ng passport. Itinuro siya sa 2nd flr. Sinundan niya ang mahabang pila. Pagda­ting sa counter, ibinigay na niya ang mga dokumento at lumang passport. Pinabalik siya tatlong araw makalipas para sa ‘releasing’. Pagkakuha niya, dumiretso siya sa Placewell at binigay ito.

“Fifteen days lang to. Hintayin na lang natin ang OEC galing sa POEA,” sabi daw ni Grace. Makalipas ang 15 araw bumalik siya sa Placewell subalit sinabi daw ni Grace, “Antay-antay pa… 15 days.” Nagpabalik-balik si Berry…wala pa rin daw ni kontratang mapakita sa kanya ang ahensya. Oktubre 26, 2013 tumawag si Marissa kay Berry. May trabaho na daw na nag-aabang para sa kanya sa Kuwait. Bumalik si Berry sa Placewell, dineretso na niya si Grace, ‘Makakaalis pa po ba ako o hindi? Ang tagal na po!” Sagot umano nito sa kanya, “Di pa ako makapagpasya kasi nasa OEC pa yung papers mo.”

Dumating ang Nobyembre wala pa rin kaya’t sinabi niya magbaback-out na siya. Hiningi niya ang kanyang passport subalit ayaw na umano nila ito ibalik. Dito na niya daw nakausap si “Mila”—manager. Ayon umano kay Mila may ‘stamp visa’ na siya, ‘di na siya pwede umayaw. Nanigurado si Berry, hiniling niyang makita ang passport para malaman kung may tatak ba ito. Malinis naman umano ang passport niya ng  kanyang tignan.

“Ma’am ano po ba? Paano ko po ba mababawi passport ko… may babayaran ba?” prangkang tanong ni Berry. Sinagot umano siyang, “Wala naman, basta wala ng atrasan.” Desperada na si Berry. Inalok siya ni Mila na magre-­recruit ng bagong ‘applicants’ kapalit ang kanyang passport. “Dalawang aplikante dinala ko. Isang 26 anyos, yung isa 42. ‘Di tinanggap yung 42 anyos… over-aged na daw. Dun na ko mas nagduda, e mas matanda pa ako dun. Kaya’t nagpunta ko sa inyo,” pahayag ni Berry.

Itinampok namin si Berry sa CALVENTO FILES sa radyo, “Hustisya Para Sa Lahat” DWIZ882KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN). SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, kinapanayam namin sa radyo si Assec. Wifredo Santos, ang bagong Head ng DFA for Consular Affairs. Pinaliwanag ni Assec. Santos na walang karapatan ang ano mang ahensya na mag- ‘detain’ ng passport dahil ito’y ‘di nila pagmamay-ari o ng taong binigyan nito. Ito ay pagmamay-ari ng Republika ng Pilipinas. “Pwede kaming mag-suspend sa agency ‘pag may nilabag sila. Naipasa na namin ang kaso ni Berry sa Passport Division para matawagan ang agency,” ani Assec. Santos.

Pinayunan din ni Assec. ang mga tagapakinig ng aming programang dumaan sa Philippine Overseas Employment Admi­nistration (POEA) para sa kontrata nila para ‘di basta ‘photocopy’ o pekeng kontrata ang maibigay sa kanila.  Ni-refer namin si Berry kay Assec. Santos para lubusan siyang matulungan. Sa isang mensahe sa text, pinaalam sa amin ni Assec. Santos na ‘di ‘accredited’ ang agency sa DFA. Kasalukuyan ng hawak ni Asst. Passport Dir. Siegfred Masangkay ang kaso ni Berry.

“Nagpapasalamat ako kay Assec. Santos sa mga itinutulong niya at sa programang “CALVENTO FILES”, “HUSTISYA PARA SA LAHAT”. Nung una akala ko wala ng pag-asang makuha passport ko,” ani Berry­.  (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) Sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166, 0921-3784392,09198972854.  Landline 6387285 / 7104038.

AKO

ASSEC

BERRY

DAW

NIYA

PARA

PASSPORT

PLACEWELL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with