Stigmata, lumabas sa noo ng isang pari sa croatia

HINDI malilimutan ni Fr. Zlatco Sudac, 31, isang Croatian nang unang lumabas ang stigmata o sugat sa kanyang noo. Noon ay 1999, galing siya sa pakikipagkita sa kanyang mga kaibigan. Habang pauwi, naramdaman niyang may sugat siya sa noo pero hindi naman masakit. Nang tingnan niya, isang pulgada ang sugat.

Dineklara ng Vatican na ang stigmata ni Fr. Sudac ay “not of human origin.”

Makalipas ang isang taon, nagkaroon naman siya ng sugat sa kamay o palad, paa at sa tagiliran. Ayon kay Fr. Sudac, ang pagkakaroon niya ng stigmata ay nagbigay sa kanya nang matinding takot sa Diyos.

Ayon pa kay Sudac, hindi siya nakadarama ng sakit maliban na lamang kung siya ay nagdarasal. Kapag nagdarasal daw siya nararamdaman niya ang hapdi sa kanyang noo, kamay, paa at tagiliran at kasunod daw ay panginginig ng kanyang katawan.

Ayon pa sa pari ang pagkakaroon ng stigmata ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang sabihin ang mga mangyayari sa hinaharap.

(www.oddee.com)

Show comments