Chinese bowl na nabili ng $3 sa garage sale, nagkakahalaga pala ng $2.2 M!

SINO ang makapagsasabi na ang mga bagay na nabili ng mura sa garage sale ay nagkakahalaga pala ng milyong dolyar? Biglang yaman ang mga taong mahilig sa garage sale.

Gaya ng isang pamilya sa New York na piniling bilhin sa garage sale ang isang lumang Chinese bowl na nagkakahalaga ng $3.

Subalit ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat nang malaman na ang Chinese bowl ay 1,000-year-old na at nagkakahalaga ng $2.2 milyon. Biglang yaman ang pamilya.

Ang bowl — isang ceramic, ay mula sa Northern Song Dynasty, na nag-rule sa China mula 960 to 1127 at kilala sa cultural and artistic advances. —www.oddee.com—

Show comments