100 Tips: Life, People & Happiness (7)

54. Pampabilis ng paghaba ng buhok: Imasahe sa anit ang aloe vera. Ibabad ng isang oras at saka banlawan.

55. Para mapigil ang pagsuka, ngumuya ng minty gum.

56. Ano, puwedeng gawing Gatorade ang Kool Aid? Haluan mo ng asin ang Kool Aid.

57. Ang buhay ay maihahalintulad sa pagsakay sa bisikleta. Kailangan ang patuloy na pagkilos at pagpedal upang manatiling balanse at hindi matumba. Sinabi ito ni Albert Einstein.

58. Kung nakikipagkuwentuhan sa bagong kakilala, itanong kung ano ang hilig nitong gawin kesa itanong kung ano ang kasalukuyang trabaho. Mas magiging kasiya-siya ang inyong kuwentuhan at hindi kayo mauubusan ng pag-uusapan.

59.  Hugasan ang bacon ng cold water bago iprito upang mabawasan ang “shrinking” ng 50 percent.

60. Life tip: Bumili ng fire extinguisher bago mo ito kailanganin.

61. Magiging interesadong makinig ang iyong kausap na babae kung pupurihin mo ang kanyang abilidad at kakayahan kaysa kanyang physical appearance.

62. Ang “best marriage” ay nag-uugat sa pagiging mabuting magkaibigan. Ang pagpapakasal sa iyong best friend ay naka­kabawas ng tsansa ng divorce ng 80 percent.

(Itutuloy)

Show comments