Desisyon ng SC

Sa isang desisyon ng Korte Suprema

Ang pork barrel system ay hindi na tama;

Sa Saligang Batas nitong ating bansa

Ito’y dapat lamang na agad mawala!

 

Matagal na palang tayo’y niloloko

Ng mga kagawad ng ating kongreso;

Kung magpapatuloy sila sa trabaho

Wala nang pork barrel – tama na ang sweldo!

 

Sweldong ibibigay ay huwag lakihan

Upang di magalit mga mamamayan;

Ang ginawang batas iharap sa bayan

Upang ipakitang sila’y dapat diyan!

 

Kung di magagawa ang sistemang ito

Baka mabuti pa na nagbitiw kayo;

At kung may halalan para sa kongreso

Tiyak ang lalahok mabubuting tao!

 

Show comments