‘Panggogoyo at pagpapanggap sa online shopping sites’

PUSPUSAN ngayon ang modus ng mga dorobong nagkukubli sa likod ng mga online shopping site.

 Ngayong papalapit ang Pasko tumaas ang demand ng mga online store.  

Sa pamamagitan ng internet, malayang naisasagawa ng mga dorobo ang kanilang modus.

 Nitong mga nakaraang araw, naibulgar ng BITAG ang estilong pagpapanggap ng umano’y isang “doktora” sa isang sikat na online shopping site.

 Ginagamit niya ang propesyon para madaling makaakit ng potential victims na bumibili gamit ang internet.

 Si Rogelio, biktima ng nagpanggap na “doktora” sa isang sikat na online shopping website.

 Dahil sa maayos umano na credentials ng “doktora,” agad siyang nagbayad ng P13,000 na bayad sa inaalok na produkto sa pamamagitan ng money transfer.

 Pero matapos makapagpadala ng pera hindi na niya nakontak at nahagilap pa ang ka-transaksyong “doktora.”

 Sa kapareho ring estilo, nagoyo ang isa pang biktimang si Rommel.  

Nang hagilapin ng BITAG ang sinasabing doktora, mariin niyang itinaggi na nagbebenta siya ng mga gadget at iba pang mga produkto sa internet. Sa halip biktima rin daw siya ng nasabing modus.

 Paalala ng BITAG sa publiko, huwag magpapadala sa matatamis na pagbebenta ng mga taong nagkukubli sa mga website at telepono. Maging segurista sa lahat ng pagkakataon. Hangga’t maaari kaliwaan ang transaksyon para makasiguro kayo na makukuha ang binili ninyong produkto.

 Mag-ingat.

Show comments