SI Ethel Skakel Kennedy ay asawa ni Sen. Robert F. Kennedy, kapatid ni US president John F. Kennedy. Ipinanganak siya noong Abril 11, 1928. Ang kanyang mga magulang na sina George Skakel at Ann Brannack ang nagpasimula ng Great Lake Carbon Corporation. Nagtatrabaho sa riles ng tren ang ama ni Ethel na kumikita ng $8 kada linggo. Mula sa pagiging empleado ay naitaguyod nila ang korporasyon.
Tatlong school ang pinanggalingan ni Ethel. Ang Greenich Academy, Convent of the Sacred Heart, at and huli ay ang Manhattan Ville College na mataÂtagpuan sa New York, kung saan naging kaibigan at kaklase niya si Jean Ann Kennedy, kapatid ni JFK at Robert.
Nagkakilala si Ethel at Robert sa isang Ski Trip sa Mont Tremblant Resort sa bansang Quebec noong 1945, kung saan ang nakatatandang kapatid ni Ethel na si Patricia ang ginigiliw ni Robert noong mga panahong iyon. Subalit nagkalapit sina Robert at Ethel. Inanyayahan niya itong maging parte ng kampanya ng kanyang kapatid na si JFK sa paglahok sa pulitika. Hindi nagtagal, nagpakasal sina Ethel at Robert at nagkaroon ng 11 anak.
Isa sa kanilang anak, si Rory Kennedy ay gumawa ng dokumentasyon ukol sa kanyang inang si Ethel. Napanood ko ang dokumentasyon at marami akong nalaman kay Ethel.
Malaki ang ginampanang papel ni Ethel sa buhay-pulitika ng mga Kennedy. Siya ay magandang halimbawa at inspirasyon ng isang ina at maybahay na hanggang sa huli ay patuloy na sumuporta sa mga anak at higit sa lahat sa kanyang asawang si Robert. Sa kanyang debosyon at pagmamahal sa mga anak at yumaong kabiyak hindi na siya muli pang nag-asawa. Ginugol niya ang oras sa pag-aalaga at pagtuturo sa mga anak at mga pamangkin. Siya ay huwarang babae.