^

Punto Mo

Try ninyo ito…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Mga home remedies na hindi ninyo akalaing epektibo pala:

Sunburn: Magpakulo ng 3 black tea bags o higit pa depende sa dami ng kailangan mo. Isang tasang tubig per 3 tea bags. Pakuluan hanggang sa mangalahati na lang ang liquid. Ito ang ipahid sa sunburn. Ang tannins mula sa black tea ang nagtatanggal ng hapdi, nagpapabilis ng paggaling at pipigil upang hindi mag-peel masyado ang balat.

Ang amoy ng mint ay nakaka-relax at tumutulong upang tumaas ang concentration.

Toenail fungus: Pahiran ng Vicks Vaporub o kahit anong brand ang affected area. Balutan ng bandage. Araw-araw itong gawin hanggang sa gumaling.

Ang tinolang manok ang pinakamainam na ulam kapag may sipon, ubo at lagnat. Tanggalin lang ang balat ng manok bago lutuin at igisa lang sa kaunting mantika. Lalong nakakaubo ang mantika at fats mula sa balat. Ang paghigop ng chicken soup, kahit na sa mga Amerikano ay pinaniniwalaang nakapagpapalabas ng plema. Ang karne ng manok ay may anti-inflammatory properties kaya ang pagkain nito ay nakakapagpaginhawa ng pakiramdam.

Ang pagkain ng yogurt ay pumipigil sa pagkakaroon ng yeast infection sa mga kababaihan.

Singaw sa bibig: Pag­haluin ang equal parts ng milk of magnesia at Benadryl. Ito ang ipahid sa singaw. Ingatan lang na huwag itong malunok.

Nahulog ang iyong cell phone sa toilet? Tanggalin ang battery at SIM card. Maglagay ng bigas sa isang container. Ibaon dito ang iyong mabantot na cell phone sa isang buong araw o magdamag. O, baka naman isaing mo pa ang bigas na pinag-libingan mo ng mabantot na cell phone. Isama ang bigas sa kaning baboy. Bumili ng bagong battery at SIM card.

AMERIKANO

ARAW

BALUTAN

BUMILI

IBAON

INGATAN

TANGGALIN

VICKS VAPORUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with