NOONG 5th century BC, may isang Italyanong painter na nagngangalang Zeuxis. Palibhasa ay maraming humahanga sa kanya, pakiramdam niya ay siya na ang pinakamahusay na painter sa buong mundo. Minsan ay gumuhit siya ng iba’t ibang prutas at saka ito ay kinulayan niya. Nang matapos ay iniwan niya ang canvas sa kanilang hardin. Maya-maya ay nakita na lang niya nilapitan ng mga ibon ang canvas at pinagtutuka ito. Sa sobrang “realistic†ng painting, akala ng mga ibon ay totoo ang prutas.
Isang kakontemporaryong painter ang nakabalita sa galing ni Zeuxis, si Parrhasius, na isang magaling din painter. Alam ni Parrhasius na may kayabangan si Zeuxis kaya naisip niyang ipakita dito ang kanyang painting na katatapos pa lang niyang iginuhit.
“Sige hawiin mo na ang kurtinang nakatakip diyan sa iyong painting†sabi ni Zeuxis kay Parrhasius
Napangiti si Parrhasius. â€Ang kurtinang ‘yan ang mismong paintingâ€
Hindi kaagad nakapagsalita si Zeuxis. Pagkaraan ng ilang minuto ay kinamayan niya si Parrhasius. Sabay sabing, â€Binabati kita. Mas mahusay kang painter dahil inakala kong tunay na kurtina ang iyong painting. Samantalang yung aking obra ay ibon lang ang nag-akalang tunay ang prutas na iginuhit ko.â€
Natutuhang magpakumbaba ni Zeuxis. Nalaman niyang kahit gaano ka pala kahusay sa isang bagay, malaki ang tsansang, may mas mahusay pa rin kaysa iyo.