NOONG Enero 2009, isang kakaibang ritwal ang ginanap sa isang liblib na lugar sa Pallipudupet village sa India. Dalawang batang babae, edad 7, ang nagpakasal sa palaka. Ginawa ang kakaibang ritwal para umano mapigilan ang pagkalat ng misteryosong sakit na kumakalat sa village.
Ang dalawang bata ay sina Vigneswari at Masiakanni. Walang tutol ang dalawang bata habang ginagawa ang sereÂmonya. Nakasuot sila ng tradisyunal na damit pangkasal na sari na may adornong ginto at iba pang alahas.
Hiwalay na ikinasal sa palaka (“princes†daw) ang daÂlawang bata. Ginawa ang seremonya sa dalawang temple at saksi ang daan-daang residente ng village.
Pagkatapos ng kasalan ay nagkaroon nang masaganang handaan. Maraming pagkain ang pinagsaluhan. --- www.oddee.com----
Noong Pebrero 2006, isang Sudanese na nagngangalang Charles Tombe, ang puwersahang ikinasal sa isang kamÂbing. Bago ang pagpapakasal sa hayop, nagbigay muna ng 15,000 dinars (US$75) bilang “dowry†sa may-ari ng kambing.
Umano’y puÂwersahan ang pagpapakasal ng Sudanese sa kambing sapagkat nahuli ito sa akto na nakikiÂpatalik sa hayop. ---www.oddee.com---