^

Punto Mo

Lampong (473)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

S I Rey? Bakit kaya narito? Baka bibigyan siya ng kahati sa kinita nito sa PENI­SITIK?

“Kuya Dick papapasukin ko ba si Rey?” Tanong ng babaing crew.

“Ha, e oo, sige papasukin mo.’’

“Opo Kuya.’’

Natigilan si Dick. Pagkaraan ng isang taon ay narito muli ang taong nakalimot sa kanya. Ang taong akala niya ay kaibigan niya pero hindi pala. Ano ang kailangan sa kanya ni Rey sa pagkaka­taong ito?

Narinig niya ang papalapit na yabag. Hanggang sa sumungaw sa pinto ang da­ting kaibigan. Nagulat siya sa itsura ni Rey. Malayung-malayo sa itsura noon. Payat ito at tumanda ang itsura. Bakit nagkaganito ang taong ito na akala niya ay mara­ming perang nakuha sa pharma­ceutical company.

“Pareng Dick!’’

“Rey! Halika, pasok!”

“Pareng Dick, pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakapunta rito. Kasi’y…” sabi nito kahit nasa pinto pa lamang. Parang ayaw lumapit.

“Halika rito. Maupo ka rito.’’

Saka lamang ito lumapit.

“Kumusta ka Pareng Dick?”

“Eto mabuti naman, Rey. Medyo gumaganda ang takbo kahit na nagdaan sa mga pagsubok.’’

“Mabuti ka pa Pareng Dick. Ako minalas.”

“Bakit ka minalas? Di ba sinuwerte ka nga?”

Hindi makasagot. Naging mailap ang mga mata. Parang ayaw makipagtitigan kay Dick.

“Sinuwerte ka di ba Rey. Nakaimbento ka ng gamot para sa may ED di ba. Paano ka mamalasin?”

“Pareng Dick, nawalan ng bisa eh.’’

“Nawalan ng bisa ang alin?” Maang-maangan si Dick.

“Yung gamot.”

“Penisitik?”

“Oo.’’

“Di ba ikaw ang may likha nun. Anong nangyari?”

“Wala na raw bisa. Kaya ididedemanda ako ngayon. Nagtago ako. Kung saan-saan ako nagtago. Wala akong maisip na paraan kung paano ang gagawin.’’

“Ano ang gusto mo nga­yon, Rey?”

“Kung maari sana, tulungan mo ako. Kasi naisip ko, baka mayroong kinakain ang itik na nagbibigay ng mahiwagang sangkap para malunasan ang ED.”

(Itutuloy)

ANO

BAKIT

DICK

HALIKA

KASI

KUYA DICK

OPO KUYA

PARENG DICK

REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with