8-Anyos na batang babae sa China, sumali sa Marathon; tatay, laging kasama!
BIHIRA sa mga batang babae ang palagiang sumasali sa mga marathon o iba pang running event o kung mayroon man, hindi madalas ang partisipasyon. Pero ang isang batang babae sa Hainan, China na tinaguriang “Little Magic Deer†ay nagpakita ng sigasig sa pagsali sa marathon. Lahat ay gusto niyang salihan at hindi siya sumusuko sa takbuhan. Sa katunayan nakakumpleto na siya ng 3,558 kilometers.
Unang naka-attract ng attention si Zhang Huimin, 8-anyos, noong Enero 2007 nang tumakbo siya paikot ng Hainan Island. Inabot ng 17 araw si Zhang bago naikot ang lugar. Umabot sa 840 kilometers ang kanyang natakbo. Lagi siyang sinasamahan ng kanyang tatay na si Zhang Jianmin sa pagtakbo. Nakasakay sa motorsiklo ang tatay.
Kamakailan, nakumpleto ni Huimin ang 3,558 kiloÂmeters nang tumakbo siya mula Hainan hanggang Beijing. Nagsimula siya sa Sanya, southernmost city ng China at inabot ng 55 araw bago narating ang Beijing City. Kasama pa rin niya ang kanyang tatay na si Jianmin na nakasakay naman sa bike.
Maraming bumabatikos sa tatay ni Huimin sa ginagawa nitong pagpayag na tumakbo nang tumakbo sa iba’t ibang running event ang anak. Hindi raw ba nasasaktan ang damdamin nito kapag nakikitang hirap na hirap sa pagtakbo ang batambatang anak. Wala namang sinasabi ang tatay sa mga bumabatikos.
Si Huimin sa kasalukuyan ay may taas na 4 feet at may timbang na 21 kilograms.
- Latest