EDITORYAL - Sabihin ang lahat at tapos ang kaso!
M AGANDA ang payo ni Sen. Miriam Defensor Santiago kay Janet Lim Napoles, umano’y pork barrel scam mastermind, na sabihin na ang lahat nang nalalaman ukol sa kontrobersiyal na PDAF. Kapag daw sinabi ni Napoles ang lahat nang nalalaman ukol sa kaso, tapos na ang problema nito. Naniniwala ang senadora na mayroong mas guilty pa kaysa kay Napoles.
Sabi pa ni Santiago, nanganganib ang buhay ni Napoles. Maaari raw itong ipapatay ng isang tao. Kung sasabihin daw ni Napoles ang lahat nang nalalaman, maaaring hindi na ito ipapatay sapagkat nasabi na ang mga mahahalaga. Kaya dapat daw mag-isip si Napoles at sabihin ang lahat sa Senado. Kapag daw nasabi, wala nang dapat katakutan si Napoles. Kahit daw maglakad ito nang hubad ay walang papansin.
Pero nanatiling matigas si Napoles at walang sinabi kundi “hindi ko po alamâ€. Hindi rin ito natakot sa bantang ipapapatay siya ng isang taong kilala ni Santiago.
Sana ay makapag-isip-isip pa si Napoles habang nasa kulungan sa Sta. Rosa, Laguna. Sana mapagÂlimi niya ang mga sinabi ni Santiago at magbago ng isip at sabihin ang lahat nang nalalaman. Ibuka na sana niya ang bibig at sabihin ang lahat ukol sa PDAF at maski sa Malampaya funds. Tatlong seÂnador at mahigit 20 congressmen ang sangkot sa pork barrel misuse. Nasa P10 bilyon umano ang naibulsa ni Napoles mula sa PDAF sa pamamagitan ng mga pekeng non-government organizations (NGOs). Sinampahan na sila ng kaso sa Ombudsman.
Maaaring makatulong ang payo ni Santiago kay Napoles at sana magkaroon ng epekto. Dating RTC judge si Santiago kaya alam niya kung paano gumagalaw ang batas. Sundin sana siya ni Napoles para matapos na ang kasong ito at nang malaman ang buong katotohanan.
- Latest