SI Zig Ziglar ay mahusay na awtor at motivational speaker. Ang kanyang aklat – Better Than Good, ay nanghihikayat para makamit ang buhay na ninanais.
May mga pangarap tayo ngunit iilan lamang ang gumagawa ng mga hakbang para makamtan ito. Kakaunti lang ang inspired enough to move and make their dreams come into reality.
Ani Ziglar may tatlong principles na dapat tayong maintinÂdihan upang magawa natin ang buhay na ating inaasam – passion, peak performance at purpose.
Hindi raw tayo magtatagumpay sa piniling larangan kung wala tayong passion. Ang passion na ito ang hihikayat upang makapag-perform nang maayos at mapunan ang iyong purpose.
Naniniwala si Zig na walang nakararating sa tuktok nang walang passion. Kung wala kang passion napakadaling sumuko kapag dini-discourage. Pero kung may passion ka, sa halip ng mga negatibong komento at kaganapan, patuloy kang uusad.
Layon niya sa aklat na madiskober natin ang purpose na bubuhay sa ating passion at peak performance. Aniya, ang inspirasyon ay crucial upang madiskubre kung ano ang mga bagay na passionate tayo.
Bakit may nagtagumpay na wala namang pinag-aralan? Si Bill Gates ay hindi nakatapos ng pag-aaral subalit napaka-successful.
Dahil inspired at may mga pangarap sila na ang Diyos ang nagtanim sa kanilang puso.
At para makamit ang pangarap na ito na mula sa Kanya, ang kailangan daw ay bumaling sa nagbigay nito at maniwala.
May rason kung bakit Niya ito ibinigay sa iyo. Siya rin mismo ang gagabay sa iyo upang magkatotoo ang mga ito.
Kailangang tingnan natin kung ano ang mayroon tayo at gamitin ito.
Tingnan ang loob mo at pagyamanin ito.
Handa ka na ba sa buhay na better pa sa good? Simulan nang hanapin ang iyong passion sa buhay!