ITO ang mga dahilan kung bakit hindi sila tumataba:
Iniiwasan nilang kumain sa harapan ng TV o computer. Mas mabilis mabusog ang isang tao kung kumakain sila nang walang “distractionâ€. Siyempre, di n’yo kaagad madadama ang kabusugan kung ang utak ninyo ay abala sa panonood ng TV o nakatitig kayo sa monitor ng computer.
Kumakain muna sila ng pagkaing “watery†kagaya ng pakwan, cucumber o humihigop ng vegetable soup para puno na ang tiyan bago pa lang magsimulang kumain ng meal. Okey din ang uminom ng tubig bago kumain ngunit mas nakakabusog ang paghigop ng sabaw o pagkain muna ng watery foods.
Kumain muna ng pagkaing super maanghang (halimbawa, laing na sagana sa sili) 30 minutes bago magtanghalian. Base sa experiment na ginawa, ang taong pinakain muna ng maanghang bago ang meal time ay nawawalan ng gana at nabawasan ng 10% ang dami ng kanyang kinain.
Kumain muna ng isang mansanas bago ang mealtime. Mayaman sa fibers ang mansanas at 95 calories lang ang makukuha dito. Ang pagkaing maraming fibers ay mabilis makabusog kaya hindi na makakain nang marami sa oras ng mealtime.