“ANO nga kaya ang maÂgandang ipangalan sa magiging baby natin, Jinky?’’ sabi ni Dick.
“Mag-isip tayo nang maÂgandang pangalan, Dick.’’
“Kung lalaki, maganda siguro ay Donald.’’
‘‘Bakit Donald?’’
“Para maalala natin na nabuo siya dahil sa natuklasan sa mga itik.’’
“Ano namang kaugnayan ng Donald?’’
“Di ba Donald Duck?’’
Tinampal ni Jinky si Dick.
“Puro ka kalokohan.’’
“Puwede ring isunod sa name ko. DICK DUCK.’’
“Sira!’’
Pagdating nila sa bahay ay agad nilang ibinalita kay Mulong at Tina ang resulta ng check-up.
“Magiging daddy ka na pala, Ninong,†sabi ni Mulong.
“Oo nga, Mulong. Ang tagal kong hinintay ito. Alam mo ba na wala sa bokabularyo ko ang magkaanak. Gusto ko sawsaw lang nang sawsaw. Pero kapag pala nag-matured ka na, nagbabago ang pananaw sa buhay.’’
“Mabuti pala Ninong at nasolusyunan ng Itik at Uloy ang problema mo.’’
‘‘Oo nga. Kung hindi, e di sana bigumbigo pa rin ako hanggang ngayon.’’
“Malaki talaga ang utang na loob natin sa Itik at Uloy. Pati nga ako, Ninong lalo ring sumigla nang makakain ng Uloy nuts. Baka maanakan ko nang maanakan si Tina. Baka dumami ang anak namin.’’
“E ano naman kung dumami? Maayos naman ang kalagayan natin dito. Mapapakain at mapapag-aral mo ang mga anak mo. Lalo pa ngayon na malago na uli ang negosyo natin, walang proble- ma kung magkaaanak ka kahit isang dosena.’’
Napangiti si Mulong. Suportado siya ni Dick.
“Kaya huwag kayong magkokontrol. Anak lang nang anak. Hangga’t narito kami ni Jinky, tutulungan namin kayo sa lahat.’’
“Salamat, Ninong.â€
HALATA na ang pinagbubuntis ni Jinky. At sa pagtataka ni Dick at Mulong, lalo pang lumobo ang kanilang negosyo. Nabili ni Dick ang katabing lupa ng kanilang itikan. Dahil doon dumami pa ang mga alaga nilang itik. Dumagsa rin ang namamakyaw ng itlog ng itik at ganundin ng balut. Patuloy ang pagkuha ng mga dumalagang itik at dinadala raw sa Ongpin at sa isang kilalang restaurant sa Tomas Morato.
Nagbukas muli ang INASALITIK Restaurant.
Mukhang suwerte ang pinagbubuntis ni Jinky.
Napansin naman ni Dick ang pagkahilig ni Jinky sa itik. Gusto ay laging itik ang kakainin. Talagang itik ang pinaglilihihan nito. Papak nang papak ng itik. (Itutuloy)