Malakas na lindol

Malakas na lindol ang biglang tumama

Sa dalwang probinsiya nitong ating bansa

Ang Bohol at Cebu na nasa Visaya –

Mga tao roo’y lubhang napinsala!

 

Lindol na naganap sa ating lupain

Ang sa ating bansa’y nagdulot hilahil;

Ating maiisip ito’y pangitaing

Dapat na magbago ang mga salarin!

 

Mga masasama tunay na nilindol

At ang mga taong may ugaling maton;

Sa lahat ng dako ay nagkalat ngayon

Ang mga saliwa sa bagong panahon!

 

Mga nagdarasal ay iba ang hangad

Sa maling paraan ay yumaman agad;

Mga sumagana sa bahagyang hirap

Ay mga kriminal at totoong hudas!

Show comments