Lampong (456)
“HINDI kaya buntis ka, Jinky?’’ tanong ni Dick habang inaalalayan ang asawa patungo sa sopa. Parang nanlalambot si Jinky makaraang magduduwal sa lababo. Naalala ni Dick na ang mga palatandaan daw ng isang nagdadalantao ay ang pagduduwal at laging nahihilo.
“Baka nga, Dick…’’ sagot ni Jinky habang nakakapit sa braso ni Dick.
‘‘Kung buntis ka, ako ang pinaka-maligayang lalaki sa buong mundo. At kapag kumpirmadong buntis ka, magpapainom ako rito sa Bgy. Villareal.’’
Napangiti si Jinky. Humigpit ang hawak sa braso ni Dick.
‘‘Ilang umaga ko nang nararamdaman na bumabaliktad ang sikmura ko. Kapag naman nagtungo ako sa lababo para isuka ang laman nito, wala naman akong mailabas. Duwal lang ako nang duwal. Tapos, parang nahihilo ako. Hindi ako mapakali...’’
‘‘Siguro nga’y buntis ka. Teka at kukuwentahin ko kung kailan tayo nagsimulang magmahalan nang todo,’’ sabi ni Dick at kinuwenta sa daliri kung anong buwan sila nagtalik.
“Tama mga dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang kumain ako nang maraÂming Inasal na itik. Tapos, kumain din ako nang maraming uloy nuts. Kung ganun, mga two months na ang sinapuÂpunan mo, Jinky.’’
Nakangiti si Jinky.
“Natatandaan ko nga rin, Dick. Noong panahon na iyon biglang sumigla ang pagkagusto mo at hindi na lumuÂngayngay si Batutoy.’’
“Talagang epektib ang uloy nuts, Jinky.’’
“Magkakaanak na rin tayo, Dick. Salamat sa Diyos.’’
“Pero gusto kong magpa-check-up ka. Kailangang masiguro natin na talagang buntis ka, Jinky.’’
“Ano bang gusto mo, boy o girl?’’
“Boy ang gusto ko.’’
“Paano kung girl ito?’’
“Okey lang.’’
Humawak pa nang maÂhigpit si Jinky sa braso ni Dick. Niyakap ni Dick ang asawa. Hinalikan sa labi. Ang sarap ng labi ni Jinky. Napakabango ng hininga ni Jinky. Walang pagbabago at nananatiling sariwa si Jinky. Lalo niyang minahal si Jinky lalo pa ngayong magkakaanak na sila. Lalo pang nadagdagan ang pag-ibig niya sa asawa.
MASAYANG-MASAYA sina Dick at Jinky nang sabihin ng OB-Gyne sa bayan na dalawang buwang buntis si Jinky. Pinayuhan ng doktor si Jinky ng mga gagawin para maging ligtas at malusog ang dinadala sa sinapupunan.
Nang pauwi na sila, nakadama nang pagmamalaki si Dick. Magiging ama na siya, pitong buwan mula ngayon. Napapangiti siya. Ano kaya ang magandang ipangalan sa kanilang magiging anak?
(Itutuloy)
- Latest