Sumablay si P-Noy

Sa ngayon ang dating palasyo ni Cory

Naglaho ang kinang at nagbagong uri;

Itong anak niyang dapat ay mapuri

Tinangay ng agos palayo sa api!

 

Kaya maiisip nitong sambayanan

Sumablay si P-Noy sa tuwid na daan;

Marahil hinangad na muling mahalal

Kaya kinalinga ay ang mayayaman!

 

Salapi ng bayan ay ubos na ubos

Sa nasa Kongreso ito ibinuhos;

Mga kapartido’t di kilalang lubos

Ginawang sagana ang baya’y busabos!

 

Mga mangingisda’t mga magsasaka

Dahil sa ambisyon nalimutan yata;

Kaya naman ngayong binabatikos na

Di na raw candidate sa posisyon niya!

 

Show comments