Lindol

NAGULANTANG ang Pilipinas sa 7.2 magnitude na lindol na tumama sa Bohol at Cebu. Mula 2010, ito ang pinakama-lakas na lindol na naitalang tumama sa bansa. Halos 2.0 lang ang diperensiya mula sa pinakamalakas na lindol na naitala sa buong mundo na tumama sa Chile noong 1977 na may 9.5 magnitude. Mas malakas ito sa Haiti noong 2010 na 7.0 lamang ngunit mas mahina ng kaunti sa 9.0 magnitude ng Japan noong nagdaang taon.

 Sino ang mag-aakalang sa gitna ng kabilaan at sunud-sunod na tama ng bagyo ay may hahagupit pang lindol na ganito kasaklap.

Ang paglindol ang isa sa mga pinaniniwalaang dahilan nang pagkakabuo ng iba’t ibang kontinente. Base sa kasaysayan, ang super continent ay malaking bloke ng lupa na napaghiwa-hiwalay dahil sa movement ng tectonic plates.

Nabuo ang mapa ng bansa dahil sa iba’t ibang movements ng plates. Ang paghihiwalay ng plates ay napupunan ng lava mula sa ilalim. May convergent kung saan nagbabanggaan ang dalawang plates --- isa ay napapailalim at ang isa ay umiibabaw. Minsan, nalulusaw ang nasa ilalim. Kung parehong solido, nakakabuo ng mga bundok.

Ang mga lugar na malapit sa earthquake belt ay nasa rehiyong binansagang “Ring of Fire.” Sakop nito ang Chile, South America, Pacific region, Alaska, Japan, Pilipinas, New Guinea at New Zealand.

Ang pinakamalalakas na pagyanig ay maaaring magresulta sa pagguho ng lupa, pagkawasak ng mga tulay at dam, paghihiwalay ng mga riles ng train at pagguho ng mga gusali. Isa pang dapat antabayanan bukod sa aftershocks ay ang posibilidad ng sunog dahil maaaring sumabog ang mga linya ng gas at kuryente at may maputol na mga tubo.

Ang 2.5 hanggang 5.4 magnitude ay nadarama ngunit kaunti at halos walang nada-damage. Ang 5.5 hanggang 6.0  ay mayroon nang damage sa mga gusali at ibang istruktura. Ang 6.1 hanggang 6.9 ay malaking damage na ang magagawa sa mga lugar na matao. Ang 7.0 hanggang 7.9 ay tinatawag ng major earthquake at malaki o serious ang damage. Ang 8.0 pataas ay kayang sumira ng buong komunidad.

Show comments