EDITORYAL - NAIA, isa sapinaka-worst
WALANG pagbabago. Taun-taon, nagsasaga-wa ng pagboto para sa mga pinaka-da best airport sa mundo ang isang travel website. Nanguna ang Singapore Changi Airport at sinundan ng Seoul (Korea) at Hong Kong. Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA)? Isa ito sa pinaka-worst airport sa buong mundo ngayong 2013. Pinuna na noon ang masamang serbisyo sa NAIA Terminal I gaya nang walang tubig sa comfort rooms, marumi ang sahig, kulang ang mga signage, walang upuan, hindi friendly ang airport personnel at masyadong crowded.
Ang mga puna sa NAIA noong nakaraang taon ay inakalang magpapabago at magkakaroon nang magandang imahe. Pero walang nangyari at tila walang epekto ang mga puna. Ayon sa “Guide to Sleeping in Airportsâ€, ibinoto muli ang NAIA ngayong 2013 bilang isa sa mga pinaka-worst airport dahil sa pagiging crowded ng terminals, kakaunti ang mga upuan para sa mga pasaherong naghihintay sa delayed flights, kulang ang signages, walang 24-hour food service, marumi ang mga sahig, comfort rooms, unfriendly ang mga airport staff, at masyadong mababagsik ang immigration officers.
Ang iba pang worst airport ay ang sa Bergamo (Italy), Calcutta (India), Islamabad (Pakistan), Paris (France), Chennai (India), Frankfurt (Germany), Mumbai (India), Jakarta (Indonesia), Kuala Lumpur (Malaysia), Hanoi (Vietnam), Denpassar (Indonesia) at Bangalore (India).
Dinepensa naman ng MIAA general manager ang mga bagong puna at batikos sa NAIA Terminal I. Wala naman daw pagbabago sa unang puna noong 2012. Naulit lang daw ang mga puna sa NAIA ngayon. Hindi raw totoo ang mga puna kaya naibotong isa sa worst airport ang NAIA. Kung bibisitahin daw ang NAIA, makikita ang pagkakaiba ngayon.
Hindi babatikusin ang NAIA kung walang nakikita. Mayroong ebidensiya at iyon ang pinagbasehan sa pagboto. Nararapat pagsikapang pagandahin at pabanguhin ang NAIA para makaakit ng turista. Ang airport ang unang nakikita kaya dapat dito mag-umpisa. Ito ang salamin ng bansa.
- Latest