Tips for all Seasons (5)

Ang size ng paa natin ay nadadagdagan ng 5 to 10 percent sa hapon kaya huwag bumili ng sapatos sa umaga.

Tawagan mo ang iyong kaibigan kapag birthday niya. Hindi sapat ang batiin siya sa Facebook.

Magandang exercise ang “twerking”. Nae-exercise nito ang muscles ng hips, core muscles ng lower back at abs.

Mga 50 percent ang tsansa na matandaan mo ang isang bagay kung bibigkasin mo ito nang malakas sa iyong sarili.

Kapag ikaw ay nasa social event, hawakan mo ng kaliwang kamay ang iyong drinks para hindi mabasa ang iyong kanang kamay na lagi mong iniaabot kapag nakikipagkamay.

Nakakatanggal ng grease stains ang chalk. Ikuskos ang chalk sa stain. Saka labhan.

Ang music na may strong beat ay nakakapagpa-aktibo ng brain waves. Nakakatulong ito upang mag-improve ang concentration ng isang tao.

Warm lemon juice na hinaluan ng isang kurot na asin ay nagpapababa ng timbang cholesterol level.

Laging maglagay ng papel at ballpen/pencil sa tabi ng higaan. Ang magagandang ideya ay naiisip tuwing gabi na malapit ka nang makatulog.

Nakakabawas ng acne breakout  ang regular na pagkain ng pakwan.

Nakakadagdag ng “creativity” ang pag-inom ng mode-rate amount ng alak bago magsulat.

May crush ka sa iyong female friend (ff) at gusto mong malaman kung ganoon din siya sa iyo. Paano mo malalaman? Hilingin mo sa iyong “ff” na ipakilala ka sa kanyang magandang kaibigan. Pumili ng maganda para kung magkasubuan, hindi ka naman lugi. Iyon naman ay kung guwapo ka. Magseselos siya kung mahal ka niya o hahayaan kang mapapunta sa iba dahil wala siyang gusto sa iyo.

Show comments