EDITORYAL - Bantayan ang mga ‘buwitreng’ negosyante
KUNG saan mayroong kalamidad, doon lumulutang ang mga mapagsamantalang negosyante. Marami sa kanila ang walang konsensiya at itataas ang kanilang mga paninda para kumita nang malaki. Wala silang iniisip kundi ang kumita nang labis-labis kahit mayroong kalamidad. Madalas nangyayari ang mga hindi makataong pagtataas sa paninda kapag nanalasa ang bagyo, habagat, baha at ang lindol.
Sa nangyaring malakas at mapaminsalang lindol sa Bohol, Cebu at iba pang lugar sa Visayas at Mindanao, tiyak na maraming “buwitreng†negosyante ang sasamantalahin ang sitwasyon. Ang pagkita nang malaki mula sa kanilang negosyo ang iniisip. Sa dami nang mga naapektuhang tao, tiyak na maraming negosyante ang magtataas ng kanilang presyo sa mga pangunaÂhing pangangailangan — bigas, sardinas, isda, asukal, mantika at marami pang iba. Sa dami ng mga nawasak na bahay at mga gusali, ang mga materyales para sa muling pagtatayo ng bahay ay tiyak na magkakaroon ng pagtataas. Maraming mangangailangan ng kahoy, semento, pako, yero at iba pa. At tiyak na papatungan ito nang sobrang presyo. Sasamantalahin ang sitwasyon. Hindi na makokonsensiya kahit pa maraming nagdadalamhati dahil sa nangyaring kalamidad. Wala nang pakiramdam ang mga “buwitreng†negosyante. Basta ang alam nila, kikita sila nang malaki.
Nararapat magkaroon ng monitoring ang Department of Trade and Industry (DTI) upang hindi makalusot ang mga “buwitreâ€. Magsagawa ng mga pag-inspeksiyon sa mga supermarket, tindahan, mga hardware at iba pa para hindi mapagsamantalahan ang mga kawawang biktima. Hindi dapat patawarin ng DTI ang mga mahuhuling “buwitreâ€. Parusahan sila at bawian ng lisensiya para hindi na makapag-operate.
- Latest