^

Punto Mo

Programa vs krimen, malamya

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang bigo pa rin ang pagsisikap ng PNP na masawata ang lumalaganap na mga street crime partikular sa Metro Manila.

Ito ay sa kabila pa nga ng mga itinatag na checkpoint sa Ibat ibang lugar kaugnay sa nalalapit na barangay elections.

Matindi pa rin at mukhang pataas nang pataas ang insidente ng holdapan maging sa mga jeepney at bus.

Ito ay sa kabila pa rin sa ginagawang ‘sibakan blues’ sa ilang chief of police na sinasabing nagduduktor ng blotter o yung hindi inirereport ng tama ang nagaganap na krimen sa kanilang nasasakupan.

Pero ngayon , mukhang  hindi pwedeng alisin sa pwesto ang mga ito dahil nga naman sa nasasaklaw ito ng elections period na hindi maaaring agad agad eh magsibak o maghirang  ng bagong manunungkulan kung  hindi dadaan sa approval ng Comelec.

Ang punto rito hindi nagiging epektibo ang mga ipinapatupad na programa laban sa ganitong mga uri ng krimen.

Tila hindi ang sibakan ang solusyon dito kundi ang mahigpit na mga programa ng pamunuan Hanggang sa ngayon ay hindi ramdam  ng marami nating  kababayan ang pinalakas daw na police visibility lalu na sa Metro Manila.

Hindi nga ba’t nabuko rin daw na ilang mga checkpoints na itinatag eh wala namang nag- mamando, ano ba yan. Only in the Philippines.

Baka naman hindi lang sa baba ang masasabing may kapabayaan baka pati sa itaas.

Ika nga sa larong basketball kung ang isang team ay laging talo kahit palit pa nang palit ng player, aba’y ang maaaring ang may problema rito ay ang coach.

Sa nalalapit na barangay election na rito mas kailangan ang mas matinding pagbabantay mas malaki ang inaasahan ng taumbayan sa kapulisan kung peace and order ang pag-uusapan.

Ika nga sa larong basketball kung ang isang team ay laging talo kahit palit pa nang palit ng player, aba’y ang ma­aaring ang may problema rito ay ang coach.

Sa nalalapit na barangay  election na rito mas kailangan ang mas matinding pagbabantay mas malaki ang inaasahan ng taumbayan sa kapulisan kung    peace and order ang pag-uusapan.

 

COMELEC

HANGGANG

IBAT

IKA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with