^

Punto Mo

Bra na may kuryente panlaban sa rapist

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING insidente ng pangre-rape sa India. Kamakailan, napabalita ang panggagahasa sa isang estudyanteng babae ng apat na kalala­kihan. May isang insidente, na isang babae ang ginahasa sa loob mismo ng train. Nahuli naman ang mga rapist at nahatulan ng kamatayan.

Marahil, ang madalas na panggagahasa sa mga kababaihan ang nagtulak sa tatlong Indian engineering students para umimbento ng bra para mapigilan o malabanan ang mga rapists.

Ang “anti-rape bra” ay tinawag na Society Harnessing Equipment (SHE). Ito ay mayroong global positioning system (GPS), may sensor at may device na kayang maghatid ng 3,800 kV o boltahe ng kuryente.

Ayon kay Manisha Mohan, estudyanteng nakaimbento ng “anti-rape bra” kapag ang isang babae ay tinangkang gahasain, makukuryente ang suspect. Ipinaliwanag ni Mohan na ang una raw hinahawakan ng rapist ay ang mga suso ng babae. Kapag hinawakan o pinisil ang suso ng babae, makukuryente ang rapist sapagkat nakakabit sa may suso ang shocl circuit board. Kasunod niyon ay maaalerto ang pulisya sapagkat equipped ng global positioning system ang device. Mahuhuli ang rapist dahil alam ang lokasyon ng krimen.

Katulong ni Mohan sa pag-imbento ng “anti-rape bra sina Rimpi Tripathi at Neeladri Basu Pal. Sila ay mga estudyante ng SRM University sa Chennai.

 (www.oddee.com)

AYON

CHENNAI

IPINALIWANAG

MANISHA MOHAN

MOHAN

NEELADRI BASU PAL

RIMPI TRIPATHI

SOCIETY HARNESSING EQUIPMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with