‘Sobra na…! ‘Di pa magkasya?’
MALIKOT ang mata niya sa babae. Kapag nakakita ng ‘makinis na hita’ at ‘mga nakalitaw na dibdib’… napapalingon siya, kung minsan sinusundan pa.
Ganito umano maglaway si ‘Oyet... noon pa man bago pa siya ikasal. “Nung una hanggang tingin lang siya dahil wala pa kaming pera…†wika ni Opie—kanyang misis. Tubong-Dagupan City si Ofelia Narciso o “Opieâ€, 53-taong gulang. Nang makatapos ng kursong secretarial lumuwas siya ng Maynila taong 1976. “Mahirap maghanap ng trabaho nun, nauwi ako sa pagiging saleslady. Sa Cash On Delivery (COD) sa Cubao†kwento ni Opie. Dito sa kanya nireto ng katrabaho si Agustino Narciso Jr. o “Oyetâ€, 53 anyos din, isang Construction worker. Dinalaw siya ni Oyet sa kanyang boarding house. May boyfriend nun si Opie sa probinsya subalit matinik itong si Oyet. “Una-unahan lang daw yan sabi niya!†ani Opie. Dulo-dulo naagaw ni Oyet si Opie sa boyfriend nito sa Dagupan. Paspasan daw ang ginawa ni Oyet. Mabilis itong si Oyet sa lahat ng bagay. “Pati sa pakikipagtalik nagmadali siya…parang pato†ayon kay Opie. Parehong taon mula ng maging sila nabuntis agad si Opie. Nagpakasal agad sa simbahan ng San Juan---ika-17 ng Nobyembre 1981. Sa barracks kung saan nagkokonstraksyon si Oyet tumira si Opie. Dito na siya nanganak. Nasundan na ang kanilang panganay dun pa rin sila nakatira. “Umalis lang kami dun ng mawalan na siya ng trabaho,†sabi ni Opie. Nangupahan sila sa Pateros hanggang makitira sila sa Laguna sa kapatid ni Oyet.Wala ng mapuntahan nun ang mag-asawa. Hindi kasi nila magawang umupa ng maliit na kwarto dahil umeekstra lang sa trabaho si Oyet. “Sinuwerte lang talaga ang asawa ko nung makapasok siya sa Mercury Drug Store,†pahayag ni Opie. Drayber nung una si Oyet. Pagtagal nag-aral siya ng vocational course na ‘air-con technician’ sa Samson Technical Institute. Ito’y sa loob ng anim na buwan. Mula nun siya na ang kinuha ng Mercury bilang air-con technician. Gumanda ang kita ni Oyet. Bumukod sila at nangupahan sa Pasig City.
Nasundan muli ang kaÂnilang anak. Tuluy-tuloy ang asenso nila Opie, nakapagpundar sila ng sariling bahay sa Guiguinto, Bulacan. “UmaÂyos ang buhay namin… akala ko tuluy-tuloy na,†sabi ni Opie. Taong 2005, nabasa ng pangalawang anak ni Opie na si “Rosiela†ang isang text message. “I love you…†text daw ng isang nagngangalang “Aidaâ€. Nilihim ng anak ang nakita sa ina. Nakarating naman sa asawang nabisto na siya ni Rosiela. “Tumawag daw ang babae sinagot ng anak ko kaya nalaman ni Oyet,†pagbabalik-tanaw ng misis. Naging madalas ang pagtatalo ng mag-ama matapos magkahulihan. Walang alam si Opie sa nangyayari hanggang isang araw, nagkasagutan sila. Nakita na lang ni Opie na inaambahan ng sampal ni Oyet ang anak. ‘Sige! Ituloy mo sasabihin ko kay Mama na may babae ka!†sigaw ni Rosiela sabay sampal daw ng kanyang ama. Narinig ito ni Opie. Nilapitan niya ang mister at binigyan ng isang malakas na dagok sa batok. “Kaya pala! May lihim ka pala!†sabi ni Opie. Hindi umamin si Oyet. Umupo ito at nanahimik. Pinalampas ni Opie ang nalaman. Paliwanag niya, alam naman daw niyang darating ang panahon at maÂngangaliwa ang asawa niya. “’Di pa kami kasal, mahilig na siya sa babaeng labas ang legs labas ang dibdib… syemÂpre nun hanggang tingin lang siya, wala pa siyang pera e. Ngayong kumikita siya ng malaki kaya nagagawa na niyang hawakan,†matigas na sabi ni Opie. Taong 2008, bunso naman daw niya ang nakahuli sa asawa. Nagsama nun ang dalawa sa isang apartment sa Quezon City. Nasa kolehiyo nun ang bunsong si Nathaniel habang patuloy pa rin ang trababo ni Oyet sa Mercury. “Para makatipid sa pamasahe kesa mag-uwian sa Bulacan, nagrenta na lang sila ng apartment,†ani Opie. Binalita na lang ng anak na inuuwi daw ni Oyet si Aida, maliban dito, isang “Gina†daw ang ka-‘date’ niya pagsapit ng gabi. “Ex- daw ng asawa ko si Gina. Kapag pumapasok na si Aida siyang alis naman nila ng isa pang babae...†ayon kay Opie.
Sa ngayon nasa Amerika na si Aida kaya’t si Gina na umano ang kasama ni Oyet. Nang malaman ni Opie lahat ng ito lumayas siya sa bahay subalit nagmakaawa ang mister na siya’y bumalik. Pinagbigyan ni Opie ang kagustuhan nito subalit mula nun hindi na raw naayos ang kanilang samahan. Umuuwi na lang itong si Oyet tuwing Biyernes at aalis kinabukasan para ibigay ang suporta nilang mag-ina. “Hindi na rin kami nagtaÂtabi. Dun siya natutulog sa kabilang kwarto… sa anak namin,†anya ni Opie. HalaÂgang Php2,000 kada linggo ang binibigay ni Oyet pamalengke ni Opie at Php2,500 naman kada kinsenas-katapusan. Reklamo ni Opie, pinapakialaman siya ng mister sa mga binibiling ‘groceries’. Kulang rin daw ang perang binibigay nito. “Araw-araw uma-Âattend ako ng ‘Dawn watch prayer’ namin sa church, namamasahe ako. Mahal din ang pamasahe ko tuwing Linggo papunta Malolos para magsimba. Tapos papakialaman niya ko? Nakikihati rin siya sa mga pinapamili ko,†sabi ng misis. Ito ang dahilan ng pagpunta niya sa’min.
Itinampok namin si Opie sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM/ Sabado 11:00-12:00NN) SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, pumapatak sa Php13,000 ang binibigay ni Oyet para kay Opie. Giit ni Opie wala pa ito sa kalahati ng sahod ng asawa na aabot sa Php35,000 kada buwan. Ipinaliwanag namin sa kanya na siya na rin mismo nagsabing mag-isa na lang siya sa kanilang bahay kaya’t siguro sapat na ito. Pagdating naman sa pakikialam ng asawa sa kanyang pinamili… mabuting mag-usap muna sila tungkol dito dahil masyado nang personal ang usaping ito. Kung sa palagay naman ni Opie kulang pa ang Php13,000 may karapatan siyang magsampa ng Petition for Support (additional) para iutos ng hukom na dagdagan ni Oyet ang kanyang sustento subalit kailaÂngan niya rin magbigay ng mga pruweba ng halaga ng kanyang gastos sa isang buwan para kumatig sa kanya ang hustisya. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166 (Dahlia), 09213784392 (Carla), 09067578527 (Mig), 09198972854 (Monique). Tumawag sa 6387285 / 7104038.
- Latest