^

Punto Mo

Mag-uumpisa na ang sakla sa Pasay

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINALAKAY ng Drug Enforcement Unit ng Pasay City police nitong nakaraang linggo ang bahay ni alyas Brian sa Park Ave., Bgy. 70, na malapit sa bahay ni dating Mayor Peewee Trinidad. Wala namang nakuhang ebidensiya tulad ng shabu o paraphernalia ang DEU subalit naaktuhan nila ang walo katao na naglalaro ng video karera. Inaresto ang walo katao at kinumpiska ang limang VK machines, ayon sa mga kosa ko. Siyempre, may humabol kaagad sa mga naaresto kaya mabilis na na-release. Ang VK machines naman ay ibinalik kay Brian dalawang oras makalipas ang raid. Kung ang mga kosa ko ang tatanungin, naniniwala sila na may pitsang sangkot sa pag-release ng walo at pagsoli ng VK machines. Alam kaya ni Pasay City police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca ang sistema ng mga tauhan niya sa DEU? Dapat magsuot ng Kevlar helmet si Llorca at baka nabukulan siya. Ayaw ni NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. ng ganyan. Mismo!

Sinabi ng mga kosa ko na isang alyas Orville ang nagpakalat ng VK machines sa iba’t ibang lugar sa Pasay. Subalit nasisingitan si Orville ng ilang pulis na may sariling makina, ayon pa sa mga kosa ko. Ang sistema pala ng mga pulis, kinukumpiska nila ang makina ni Orville at pinapalitan ng sarili nilang makina ang puwesto. Sa ganitong sistema, libre ang mga tiwaling pulis sa kanilang lingguhang intelihensiya dahil akala ng lahat kay Orville pa ang mga makina. Kapag kinumpronta si Llorca ng ganitong modus operandi ng mga tauhan niya, tiyak negatibo ang kasagutan niya. Kailan kaya maaarok ni Llorca ang kalakaran ng pasugal sa kaharian ni Calixto? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

At dahil sa pagtakbo ng grupo nina Brian Yasay at alyas Borbie sa prankisa ng illegal gambling na itinalaga sa kanila ni Calixto, medyo nagkagulo ang tabakuhan sa Pasay. Kung sino man ang papalit kina Yasay at Borbie, tiyak aabutin pa ng siyam-siyam bago ma-stabilize ang kubransa ng lotteng, ending, ball-alai, bookies ng karera at iba pa. May ilang kubrador kasi na hindi muna nakakapangubra ng taya sa kalye dahil tinataguan nila ang mga tumama sa kanila na hindi binayaran nina Yasay at Borbie. May ilan din sa mga kubrador na nangutang para mabayaran ang tumama sa kanila at ang iba naman ay nangakong huhulog-hulugan ang kanilang utang. Ang kubrador na si alyas Ruben naman ay kinuyog ng mga Muslim na tumama sa kanya ng halagang P80,000 kaya wala siyang nagawa kundi gumawa ng paraan para makabayad dahil baka matigbak siya. May isa pang kubrador na naningil kina Yasay at Borbie subalit sinabihan siya na umalis na lang at baka mabaril pa siya. Ano ba ‘yan! Pati imahe ni Calixto ay madadamay sa sistemang ito nina Yasay at Borbie, di ba mga kosa? Mismo!

Sa ngayon, malakas ang ugong na may kausap ng financier si alyas Moti para mag-umpisa na ang sakla sa Pasay. Noong panahon ng kampanya, nangako si Calixto na ayaw niya ng sakla. Abangan!

vuukle comment

BORBIE

BRIAN YASAY

CALIXTO

CHIEF SUPT

LLORCA

ORVILLE

PASAY

PASAY CITY

YASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with