Payara: Ang isdang kumakain ng Piranha
KUNG inaakala n’yo na ang Piranha ang kinatatakutang isda sapagkat matatalim ang ngipin at kayang lapain sa isang saglit ang biktima, nagkakamali kayo.
Mas nakakatakot ang Payara sapagkat mas mabilis siyang kumain ng kanyang biktima. Sa isang iglap kaya niyang sakmalin ang kalahati ng katawan ng biktima dahil sa dalawa niyang matatalas na ngipin.
Dahil sa matalas na dalawang ngipin ng Paraya, tinatawag din siyang Vampire Fish. MisÂtulang ngipin ng bampira ang mga ngipin ng Payara na humahaba ng hanggang six inches. Malaki at matigas ang panga ng Paraya kaya balewala kung lapain ang mga mas malalaking isda.
At maniniwala ba kayong ang paboritong kainin ng Payara ay ang mga Piranha. Malaking bahagi ng kanilang diet ay binubuo ng Piranha. Ayon sa mga mananaliksik, hindi mabubuhay ang Paraya kung wala silang pagkaing Piranha.
Lumalaki o humahaba ng 1.2 meters (o 4 feet) ang Payara. Karaniwan itong matatagpuan sa Amazon River.
- Latest