Bogus diets

TINAWAG na “bogus” dahil mabilis magpapayat pero may kakambal na peligro sa kalusugan kaya dapat iwasan.

Grapefruit diet

Kilala rin sa tawag na Hollywood diet dahil ito ay nausong diet sa mga Hollywood stars. Lumutang ang diet na ito noong 1930 pero sumikat noong 1970.

Ang nagda-diet ay kakain ng kalahating grapefruit bawat meal o iinom ng grapefruit juice per meal. Bakit? Ang grapefruit ay kapamilya ng citrus fruits kaya ito ay nagtataglay ng fat-burning enzyme na pinaniniwalaang tutunaw sa fats na pumasok sa katawan. Sinusunog ng grapefruit ang calories na pumapasok sa katawan  kaya ang resulta ay pagbaba ng timbang.

Kaya lang, ito ay peligroso dahil nililimitahan ng grapefruit diet ang pagkain ng prutas at gulay pero walang limitasyon ang pagkain ng karne. Bawal kumain ng mayaman sa carbohydrates at bawal magmiryenda. Dahil sa istilong ito, ang katawan ay hindi nakakatanggap ng tamang sustansiya na kailangan ng katawan. Ayon sa mga sumubok at hindi nahiyangan ng naturang diet, ang naging problema nila ay pagkahilo at sakit ng tiyan. Hanggang 10-12 araw lang ang itinatagal ng grapefruit diet at sinasabing 10 pounds ang maximum na nababawas sa timbang.

(May kasunod pa)

 

Show comments