Itinaas na sa P2 milyon ang inilabas na pabuya para sa ikadarakip sa mga suspect na sangkot sa pagpaslang sa adverÂtising executive na si Kristelle “Kae†Davantes.
Una nang nag-alok ng halagang P.2-M ang Task Force Kae ng NCRPO, habang P.3-M naman ang inilabas ni Las Piñas City Mayor Vergel “Neneâ€Aguilar para sa madaliang paglutas sa naturang kaso.
Kahapon nga inihayag ng Malacañang na itinaas na ang reward sa P2 milyong piso.
Ito’y matapos na marekober na rin ang sasakyan ni Kae na sinasabing wala nang laman ay tinangka pang sunugin ng sinasabing suspect.
Sa kasalukuyan, patuloy na pinoproseso ng pulisya ang narekober na silver beige Toyota Altis ng biktima kung saan kumakalap pa ng ilang ebidensya.
Layunin umano sa pagtataas ng reward na maengganyo ang mga testigo na lumutang para sa madaliang solusyong ikalulutas ng kaso.
Ang pagtataas ng pabuya ay hindi dahil sa umano’y dismayado ang Pangulong Aquino sa ginagawang imbestigasyon ng pulisya.
Gayunman, aminado pa rin ang pulisya na sa kasalukuyan ay wala pa ring masasabing breakthrough sa isinasaÂgawang imbestigasyon.
Sa laki nang inilabas na reward, malamang na sa mga susunod na araw ay magkaroon na ng breakthrough sa kaso at malamang na matukoy na kung sino ang sangkot at motibo rito.
Malaking bagay kasi kaÂdalasan sa solusyon ng isang kaso ang ipinalalabas na reward lalo na nga kung malaki.
Aantabay tayo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon hindi lamang sa kaso ni Davantes kundi maging sa iba pang insidente nang karumal-dumal na krimen na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakaÂkakuha ng hustisya.
Meron din kayang magpalabas ng reward para mapadali ang paglutas ng mga insidenteng ito.
Iisa-isahin natin ito sa mga susunod na araw.