^

Punto Mo

Lampong (408)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TININGNANG mabuti ni Dick ang label ng mga kahon na may lamang mga green capsule. Gusto niyang malaman ang ingredients at kung saan nanggaling ang pambihirang gamot na ito.

Pero walang nakasaad sa label. Ang naroon lang ay ang instruction sa pag-inom ng capsule. Kailangang inumin pagkagising sa umaga. Yung wala pang laman ang tiyan. Isang capsule lang sa isang araw.

Yun lang at wala nang iba pang nakasulat. Tiningnan niya ang harap at likod ng box kung may makikitang approval ng Bureau of Food and Drugs. Wala siyang nakita.

Sabagay, kahit walang approval ng BFAD ay hindi na siya interesado. Napatunayan na naman niya ang bisa ng green capsule at talagang hindi siya ipinahiya ni Batutoy. Tama ang sabi ni Mr. Chan na magiging matikas na matikas si Batutoy kahit sa kinaumagahan. Talagang palaban. Hindi naman siya niloko ni Mr. Chan dahil talaga namang totoo ang sinabi nito ukol sa capsule.

Ang nagbigay ng alalahanin kay Dick ay ang pagbibigay niya ng awtorisasyon kay Mr. Chan para makakuha ng mga itik sa ikaapat na bahagi ng itikan. Natatakot siyang pagsalitaan siya nang masakit ni Jinky kapag nalamang binenta niya ang one-fourth ng itikan. Ang totoo’y wala siyang karapatan dahil si Jinky ang talagang may-ari ng itikan. Sampid lang siya.

Napabuntunghininga si Dick. Bahala na! Basta ang mahalaga ay hindi na lulungay­ngay si Batutoy.

Nang umalis siya ng umagang iyon para bisitahin ang INASALITIK branch sa Recto, nagdala siya ng green capsules. Mabuti nang mayroong baon para ganado lagi si Batutoy.

NANG mga sandali namang iyon ay nakikipag-usap na sa phone si Jinky kay Franc.

“Hello  Franc?’’

“Sino ‘to?”

“Hulaan mo.”

“Teka, hindi ko ma-recognized ang maganda mong boses.’’

“Si Jinky ako.”

“Jinky? O Jinky, nasaan ka? Ginulat mo ako.”

“Narito ako sa Maynila.”

“Talaga? Tamang-tama dito na natin i-celebrate ang birthday ko.”

“Teka kumusta nga pala ang mommy mo?”

“Nasa ospital pa. Nakaaawa nga e.’’

“Kawawa ka naman, Franc. Ikaw lang ba ang nagbabantay?”

“Oo. Ako lang. Puyat na puyat nga ako.”

Nakadama lalo ng awa si Jinky.

“E teka saan mo balak gawin ang selebrasyon ng birthday?”

“Sa bahay namin sa Miguelin St. Punta ka na lang doon bukas. Madali lang hanapin yun,’’ ibinigay ni Franc ang number ng bahay.

“Sige.”

Kinabukasan, nagtungo si Jinky sa bahay ni Franc sa Miguelin St. Hinanap niya.

(Itutuloy)

 

BATUTOY

JINKY

LANG

MIGUELIN ST. HINANAP

MIGUELIN ST. PUNTA

MR. CHAN

O JINKY

SI JINKY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with