^

Punto Mo

Jonah

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PINAG-UUSAPAN sa science class ang tungkol sa balyena. Isang estudyante ang tumayo at nagkuwento tungkol sa isang karakter sa Bibliya, si Jonah, ay nilunok ng balyena.

“Gusto kong ikuwento sa inyo na balyena ang lumunok kay Jonah. Kuwento ito mula sa Bibliya.”

Ang titser ay nagkataong atheist na walang alam tungkol sa Diyos at sa Bibliya.

“Iha, kahit malaking isda ang balyena, hindi nito malulunok si Jonah dahil makipot ang kanilang lalamunan.” 

“Titser, kung babasahin mo po ang Bibliya, nakasaad doon na totoong nilunok si Jonah ng balyena at namalagi siya ng ilang araw sa tiyan nito. Pero dahil sa utos ng Diyos, siya ay isinuka ng balyena kaya siya ay nakalabas at nakaligtas”.

Medyo naasar ang titser dahil parang ipinamumukha ng bata na mas totoo ang sinasabi nito kaysa kanya na isang guro. Kaya nang magsalitang muli, matigas na ang kanyang tinig.

“A whale could not swallow a human; it was physically impossible.”

“Kapag po ako ay nakarating sa heaven, tatanungin ko si Jonah”

“Paano, kung sa impiyerno pala siya napapunta?’ kontra ng titser habang nakapandilat ang mata.

“E, kung ganoon po, ikaw na lang ang magtanong sa kanya.”

Nahatulan ng two days suspension ang bata  dahil sa sagot niyang iyon. Pero nakipaglaban ang ina ng bata. Sumulat ang ina sa pamunuan ng eskuwelahan. Katwiran ng ina sa sulat, lumaki ang kanyang anak na ang paniwala ay mabuting bata siya dahil lagi siyang nagsisimba at nagba-Bible study. Kaya naniniwala ang bata na sa heaven lang siya mapapapunta. Alam sa buong school na hindi naniniwala ang titser sa Diyos, masisisi ba nila ang mga bata na may impresyon ang mga ito na hindi welcome sa heaven ang titser na ito? Dahil naniniwalang dalawang lugar lang ang pinupuntahan ng mga kaluluwa, maliwanag na sa impiyerno pupunta ang rejected sa heaven.

Nagtagumpay sa pagtatanggol ang ina. Binawi ang suspension sa bata at ang titser ay pinag-resign. Bad influence ito sa mga bata dahil sa kanyang pagiging atheist.


 

ALAM

BALYENA

BATA

BIBLIYA

DAHIL

DIYOS

KAYA

PERO

TITSER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with