Zambo crisis ’wag nang patagalin
Nasa ika-limang araw na ngayon ang nagaganap na Zamboanga crisis.
Kahapon tumindi na naman ang bakbakan sa naturang lugar.
Pataas nang pataas ang mga sibilyan na naaapektuhan sa iringan ng tropa ng gobyerno at ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).Umaabot na umano sa 12,000 katao ang apektado sa naturang Zambo crisis.
Imbes yata na humupa ang tensyon ay mukhang painit pa nang painit, kaya ang talagang nakakaawa ay ang mga sibilyan na hindi normal ang takbo ng buhay.
Patay ang buhay sa lugar, ang mga negosyo hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbubukas, ang pag-aaral ng mga bata, apektado na rin, ang kabuhayan at ari-arian ng mga residente sa apektadong lugar napabayaan na at ang ilan ay nawasak pa nga makaraang sunugin ng tropa ng MNLF.
Ayon sa gobyerno kontrolado nila ang sitwasyon.
Hindi lang daw talaga sila makakilos nang husto dahil isinasang-alang nila ang buhay ng mga sibilyan at ang mga umano’y bihag pa ng grupo ng MNLF.
Regular ang pagharap sa media ng binuong crisis committee para iulat ang mga development sa lugar.
Pero ang hindi malinaw ay kung paano ba tatapusin ng pamahalaan ang standoff na ito. Walang katiyakan ang kanilang mga pahayag.
May mga konkreto na kaya silang pag-aksyon para ito malutas?
Dapat na itong upuan. Magsalubong sa kanilang mga kahilingan para mapalaya na rin ang mga bihag na sibilyan.
Ang hinihintay ng taumÂbayan eh ang aksyon ng gobyerno kung paano ito mapipigilan.
Habang pinapatagal pa kasi eh nandon ang posiÂbilidad na lalo pa itong lumala o kuÂmalat hanggang sa mas lalo na silang mahirapan.
- Latest