NOONG 1956 ay may “lonely Swedish sailorâ€, si Alve Lindberg, na sobrang lungkot ang nararanasan sa buhay. Sawi siya sa pag-ibig kaya tinamad na siyang manligaw sa mga dalagang kababayan niya. This time, gusto naman niyang hanapin ang pag-ibig sa ibang lugar. Baka sa ibang babaeng naninirahan sa ibang bansa niya matatagpuan ang pag-ibig na hindi niya mahanap sa sariling kababayan. Kaya isang araw gumawa siya ng love letter na nagsasaad na naghahanap siya ng babaeng mamahalin. Ang heading ng kanyang liham ay TO SOMEONE BEAUTIFUL AND FAR AWAY. Nakalagay sa liham ang pangalan niya at kumpletong address. Isinilid niya ito sa bote at inihagis sa dagat.
Pilipinas. 1958. Naliligo si Cecilia sa dagat nang makita niya ang lulutang-lutang na boteng inihagis ng Swedish two years ago. Hindi maipaliwanag na kasiyahan ang kanyang nadama matapos basahin ang liham kahit pa sabihing hindi naman specific na para sa kanya ang liham na iyon.
Hindi mo tatapunan ng ikalawang sulyap ang mukha ni Cecilia dahil pinagtampuhan ito ng ganda. Iyon ang unang dahilan kung bakit naghanap ng ibang babae ang kanyang nobyo. Ang totoo, hindi naman siya naliligo nang umagang makita niya ang sulat sa bote. Pinag-iisipan niya kung paano lulunurin ang sarili upang hindi na patagalin pa ang kanyang walang kuwentang buhay. Paano ka mabubuhay nang maligaya sa mundong ang kagandahan lang ng mukha ang binibigyan ng importansiya?
Sinagot niya ang sulat ni Alve ng: “I am not beautiful, but it seems so miraculous that this little bottle should have traveled so far and long to reach me that I must send you an answer…â€
Iyon ang naging simula ng pagpapalitan nila ng liham. Agad na nagpadala ng picture si Cecilia upang malaman ni Alve ang tunay niyang hitsura. Ang ikinasiya ng kalooban ni Cecilia, hindi iyon naging hadlang para ligawan siya ni Alve. Umuwi ito sa PiliÂpinas kasama ang ina at isang kapatid upang patunayan na maÂlinis ang kanyang hangarin kay Cecilia. Pagkaraan ng isang taon ay nagpakasal ang dalawa sa Pilipinas at saka pumunta sa Sweden upang doon manirahan. Saka lang nalaman ni Cecilia na isa palang tinitingalang angkan ang pamilya ni Alve sa kanilang lugar.
The beauty of love is, you can fall into it with the most unexpected person at the most unexpected time.