“NAKITA ko sa pampang ng sapa ang beltbag,†sabi ni Jinky.
“Oo. Inilagay ko sa damuhan ang beltbag. Napakatanga ko dahil naliÂmutan ko, ha-ha-ha! Mabuti at ikaw ang nakakita, Jinky. Siguro kung ibang tao ang nakakita ng beltbag, hindi na iyon maibabalik sa akin. Sabagay wala namang mahalagang laman ang beltbag...’’ sabi ni Francis.
‘‘May lamang isang libong piso at saka mamaÂhaling sunglasses. Sayang naman kung hindi maibaÂbalik sa’yo.’’
“Salamat uli Jinky. NgaÂyon lang talaga ako makakaÂpagpasalamat sa’yo. Sana nag-iwan ka man lang ng cell phone number o tirahan at nang napasalamatan kita agad noon pa.’’
“May binigay akong number kay Patrick. Di ba binigay sa’yo?’’
“Hindi. Walang ibinigay. Ang sinabi lang sa akin, ay may babaing nagdala ng beltbag at ang pangalan ay Jinky. Iyon lang. Ni hindi nga sinabi na isang maganda at seksing babae pala ang nagdala ng beltbag…’’
Napangiti si Jinky. PalaÂbiro rin pala ang Franc na ito. Napansin ni Jinky ang balahibuhing binti at hita ni Franc. Parang gumagapang ang balahibo paitaas. Hindi niya napansin na balahibuhin pala ito noong mahuling naliligo nang hubad sa sapa.
‘‘Kung ibinigay niya ang number mo sana ay natawagan na agad kita. Siguro nalimutan ni Patrick na ibigay ang number sa akin dahil busy nga siya sa pagtungo sa Saudi.’’
‘‘Ah.’’
‘‘Anyway, mabuti at nagpunta ka rito, Jinky.’’
“Napadaan nga lang ako dahil may pinuntahan sa maÂlapit dito. Akala ko narito si Patrick. Mangungumusta lang sana.’’
“Nag-Saudi na siya. Pero sasabihin ko sa kanya na nagtungo ka rito, Jinky. Teka nga pala, bakit naroon ka sa sapa, Jinky?’’
‘‘Malapit dun ang aming itikan.’’
‘‘A talaga? Mayaman ka pala. Ang alam ko, kapag may itikan, nakaaangat sa buhay…’’
“Hindi naman. Nagmula rin kami sa wala at umasenso dahil sa sikap.’
‘‘Gaano kalapit sa sapa ang itikan n’yo Jinky?’’
‘‘Mga 2 km siguro. Malapit lang.’’
‘‘Talaga? Pagpala nagpunta uli ako sa sapa ay puwedeng magtungo sa inyo...’’
‘‘Oo bah.’’
‘‘Hindi ba nakakahiya, Jinky?’’
“Hindi.’’
Napatangu-tango lang si Franc.
‘‘Teka nga pala, bakit dun ka naligo sa sapa?’’
Nagtawa si Franc.
‘‘Napagtripan ko lang. Ang linaw kasi ng tubig… ha-ha-ha! At alam mo ba, naghubad ako sa paliligo. Wala naman kasing tao roon. Parang solong-solo ko ang lugar.’’
Lihim na napangiti si Jinky. Kung alam lang ni Franc na nakita niya ang ‘‘itinatago’’ nito. Nasa imagiÂnation pa niya ang tila ahas na nakabitin sa harapan ni Franc.
Marami pa silang napagkuwentuhan. Hanggang sa magpaalam na si Jinky. Hindi inaasahan ni Jinky ang pag-anyaya ni Franc.
‘‘Birthday ko next week, iimbitahan sana kita Jinky.’’
‘‘Sure. Saan ba gaÂgawin?’’
‘‘Iti-text ko sa’yo. Kukunin ko number mo.’’
Ibinigay ni Jinky.
(Itutuloy)