‘Fake money’

AKTIBO at agresibo ang mga sindikato ng fake money!

Sila ‘yung mga binabantayan ang “ber” months season para magpakalat ng bulto ng mga pekeng pera habang abala ang publiko sa paghahanda sa kapaskuhan.

Kuwidaw! Posible kasing mabiktima kayo at masingitan ng mga fake money sa inyong mga transaksyon at pamimili.

Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mabenta ang fake money tuwing “ber” months.

Patuloy na namamayagpag ang underground industry na ito dahil mayroong demand at suplay sa merkado.

Depende sa denominasyon, binibili ang mga pekeng pera sa murang halaga na ipinapakalat sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ang siste, inihahalo ito sa mga totoo at lehitimong bulto ng pera para malinlang at masalisihan ang mga mamimili sa kanilang mga transaksyon.

Kung hindi ka bihasa sa  security features ng totoo at lehitimong pera, tiyak mahuhulog ka sa sindikato!

Para malaman ang pagkakakilanlan ng totoo at lehitimong pera, ugaliing manood at makinig sa Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga episode ng PINOY-US Cops – Ride Along at BITAG, mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

 

Show comments