ANG kuwento ay nangyari noong 1954 sa isang parokya ng Katolikong simbahan sa Los Angeles California. Hindi pa tapos ang ipinapagawang maliit na simbahan nang dumating ang malakas na ulan. Hindi pa naikakabit ang mga bintana sa paligid ng simbahan kaya may tendency na pumasok ang ulan sa loob kapag dinala ito ng hangin. Upang hindi mabasa ang magsisimba, namili muna ng second hand na kurtina ang pari para magsilbing pangharang sa ambon.
Ang bus stop ay katabi lang ng simbahan. Isang babae ang natanaw ng pari na matagal nang nakatayo sa bus stop. Noon ay malamig ang panahon at malakas ang ulan kaya nilapitan niya ang babae at inanyayahan na pumasok muna sa simbahan.
“Mga 40 minuto pa ang ipaghihintay mo sa susunod na bus kaya mabuting sumilong ka muna sa loob ng simbahan.â€
Nabanggit ng babae na dumayo lang siya sa lugar na iyon upang mag-aplay sa pamilya Delatour na kilalang mayaman, bilang governess. Ngunit hindi siya fluent sa English kaya hindi natanggap.
“Ako po ay war refugee mula sa Austria. Nag-iisa na lang ako sa buhay dahil nagkahiwalay kaming mag-asawa noong kasagsagan ng giyera at hindi na nagkita. Nabalitaan kong nahuli daw siya ng Nazis at nakulong sa concentration camp.â€
Magkukuwento pa sana ang babae nang mapansin nito ang isang kurtina. “Parang pamilyar ang kurtinang iyon sa akin. Puwede ko bang tingnan kung may initial itong BGM?â€
Tumango ang pari. Nilapitan ng babae ang kurtina. Hinimas-himas at may tiningnan sa pinakadulo ibaba ng kurtina. “Tama, akin ang kurtinang ito! Narito ang initials ko: BGM.†Napaiyak ang babae. “Saan mo ito nakita?
“Binili ko iyan sa bargain store. Puwede kong ibigay iyan sa iyo ngayon.â€
“Thank you pero mas mapapakinabangan iyan dito sa simbahan.â€
Kinalingguhan ay maraming nagsimba sa kabila ng malakas na ulan. Pagkatapos ng misa ay isang lalaki na regular na nagsisimba ang lumapit sa pari.
“Father, alam mo bang kilala ko ang tumahi ng kurtinang iyon?â€
“Sino?â€
“Ang misis kong nawalay sa akin nang matagal na panahon.â€
Ngumiti ang pari. Matagal na niyang kilala ang lalaki. Bigla niyang naalaala na ang lalaking kausap ay war refugee mula sa Austria. “May sorpresa ako sa iyo. At alam kong ikaliligaya mo iyon.â€
Sa pamamagitan ng pamilya Delatour, inalam ng pari ang address ng babae. At iyon na, nagkita ang mag-asawa na pinaglayo ng digmaan ngunit pinaglapit ng kurtinang nakasabit sa simbahan.