MANILA, Philippines - Pangalan ang unang ibinibigay sa tao. Dala natin ito hanggang kamatayan. Ito ang desisyon na hindi mababago, liban na lang kung aapila sa korte. Ikaw, masaya ka ba sa pangalan mo?
Noong unang panahon, maimpluwensiya ang simbahan sa pagbibigay ng pangalan sa mga bata. Sa paglipas ng mga taon, nagbago ito at naging malaya na ang mga magulang sa pagpili ng magiging pangalan ng kanilang mga anak. Mayroong tunog banyaga na mahirap ang pagbaybay. Pero may mga pinili ang maging makabayan sa pagbibigay ng pangalan.
Kadalasan ay sa sikat na mga tao kinukuha ang pangalan ng maraming Pilipino. Sa tala ng National Statistics Office o NSO, John Paul ang pinakasikat na pangalan noong 2011. Dahil ito kay Pope John Paul II. Halos 3,000 batang lalaki ang bininyagan sa pangalang ito.
Michael naman ang pinakakaraniwang pangalan ng mga Pilipino. Dela Cruz ang pinakapopular na apelyido. Kung pagsasamahin, Michael Dela Cruz. Problema ang dulot nito kung minsan. Sa pagkuha ng NBI clearance halimbawa, kung maraming kapareho ang pangalan ng isang tao, matatagalan bago ka mabigyan ng clearance.
Nauso rin ang pagbibigay ng higit sa isang paÂngalan. Binubuo ng apatnapu at isang pangalan ang pinakamahabang pangalan sa bansa. Isang letra, “D†naman ang pinakamaigsi. Isa sa mga kakaibang pangalan na natuklasan ay Aeiou. May mga pangalan namang hango sa mga popular na fastfood chains.
Alamin ang iba pang kakaibang pangalan sa Investigative Documentaries kasama ang si Malou Mangahas ngayong Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.