ISA si John Wade Agan, 47, sa mga taong nagkasunud-sunod ang kamalasan, pero nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos saÂpagkat sa kabila ng mga naranasan ay buhay pa rin siya.
Si Agan, isang American mula sa Florida ay nakaranas nang maholdap ng dalawang beses. Noong 2008, habang minamaneho ang kanyang taxi, hinoldap siya at inilagay sa trunk. Nang taon ding iyon, hinoldap muli siya pero mas matindi ang nangyari sapagkat sinaksak siya sa dibdib. Gayunman, kahit nakatusok sa dibdib ang patalim, nakapag-drive pa rin siya patungong ospital.
Noong 2009, dalawang beses siyang kinagat ng ahas.
At ang huli niyang kamalasan ay nangyari noong 2011 nang tamaan siya ng kidlat. Ayon kay Agan, may bagyo nang mangyari iyon. Nasa may lababo umano siya hawak ang telepono na may kordon at may kausap. Nang biglang makarinig siya nang malakas na putok. Nagdilim ang paligid niya. Wala na siyang maalala. Nang magising, nasa paligid niya ang paramedics. Wala siyang sapatos at butas ang kanyang medyas. Tinamaan pala siya ng kidlat.
Hindi raw niya alam kung may mga susunod pang “kaÂmalasan†sa kanya.