^

Punto Mo

Sa alaala ni Ninoy

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

SA paggunita sa kadakilaan ni Sen. Benigno Aquino Jr. nga­yong araw na ito, nangalap ako ng mga trivia tungkol sa kanya:

 

 ï€ Oktubre 11, 1954 nang ikasal sina Ninoy at Cory Aquino sa Our Lady of Sorrows Church sa Pasay City.

 Isa sa mga ninong nila si dating President Ramon Magsaysay.

 Si Ramon Varela, National Artist for Fashion Design, ang gumawa ng trahe ni Cory.

 ï€ Sa kanilang wedding reception, ang isa sa mga pinakawalang kalapati ay dumapo sa ulo ni Cory na pinaniniwalaang magkakaroon siya ng mataas na po­sisyon sa pamahalaan. True enough, inangkin nga niya ang titulo nang pinakamataas na pinuno sa buong bansa.

 Noong 1973, habang nakakulong sa Fort Bonifacio, sumulat ng tula si Ninoy na pinamagatang “I have fallen in love with the same woman thrice” handog niya sa ika-19 wedding anniverasary nila ni Cory. Ang nasabing tula ay nilapatan ng himig at musika ni Mr. Jose Mari Chan.

Sa kanilang 25th wedding anniversary, nagmakaawa si Ninoy kay dating Pres. Ferdinand Marcos na pansamantala siyang palayain upang makapiling ang asawa. Binigyan siya ni Marcos ng isa at kalahating araw upang makapiling ang asawa.

 ï€ Si Ninoy ang pinakabatang war correspondent ng Manila Times, 17 years old.

 ï€ Siya ang pinakabatang mayor (edad 22) sa Capas Tarlac. Siya rin ang naging pinakabatang vice governor ng Tarlac sa edad na 27. At dalawang taon ang makalipas, hinalal siyang Gobernador ng nasabing bayan.

 ï€ Sa edad ng 34, na­ging pinakabatang senador si Ninoy.

 ï€ Noong 1975, nag-hunger strike si Ninoy ng 40 days habang nakakulong sa Fort Bonifacio.

BENIGNO AQUINO JR.

CAPAS TARLAC

CORY AQUINO

FASHION DESIGN

FERDINAND MARCOS

FORT BONIFACIO

IUML

NINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with