Ang karit ni Kamatayan
iba ngayon ang may hawak
Ito’y hawak nang maraming
ang isipa’y lubhang hamak;
Sa maraming kapatagan
sila ngayon ay nagkalat
Ang iba ay nananahan
sa bundok at mga gubat!
Pero madalas ding
nasa paligid mo
Pagka’t sila’y mga taong
may isip-demonyo;
Hindi sila lumalayo
sila lamang ay narito
Katabi mo sa pagtulog
sila’y pawang kapatid mo!
Kaya di mo nakikita
karit nilang dala-dala
Pagka’t di mo iisiping
maitim ang kaluluwa;
Kaya ikaw Kamatayan
mag-ingat din sa kanila
Kung mabagal kang kumilos
una sila – talo ka na!