Lampong (377)
“A LAM mo po ba ang pangalan ng lalaki, Manong?†Tanong ni Jinky sa matandang lalaki.
“Hindi.â€
“Ganun po ba?â€
“Kasi’y lagi ko lang nakiÂkita ang mga tao diyan dahil meron akong ginawang kubo sa kalapit na bahay. Yun bang kubo na nakalagay sa bakuran. Habang ginagawa ko ang kubo ay natatanaw ko ang mga tao sa bahay na iyon. Kung minsan maraÂming tao at kung minsan, yung lalaki na sinasabi ko. Guwapo ang lalaki at maputi. May dalawang linggo rin akong gumawa ng kubo kaya matagal ko ring nakita ang mga tao roon.’’
Naalala ni Jinky na maputi ang lalaking naliligo sa sapa. Hubo’t hubad ang lalaki kaya alam niyang maputi ito. Yun na nga siguro ang lalaki.
“Salamat po Manong.’’
“A e ano ba ang kailaÂngan mo sa mga nakatira sa bahay?â€â€™
“Meron po akong isasaÂuling bagay – isang beltbag. Natagpuan ko po sa sapa.’’
“Ah ganun ba?â€
“E babalik na lang po ako sa isang araw para maisauli ang beltbag.â€
“Mabuti pa,†sabi ng maÂtanda. “Hula ko, hindi ka taga-Socorro. Siguro ay taga-Maynila ka. Ang puti mo kasi at seksi.’’
Napangiti si Jinky. Kahit matanda na ay palabiro pa rin si Manong.
“Taga-Villareal po ako, Manong.’’
“Ah doon sa maÂraming itik?â€
“Opo,†sagot ni Jinky. Hindi na niya sinabi na siya ang may-ari ng itikan.
“Sige, mag-ingat ka na lang sa paglaÂlakad mo.â€
“Salamat po, Manong.â€
Umalis na si Jinky. Ipinasya niyang dumaan sa isang restawran para kumain. Maraming lalaking customer ang nakatingin sa kanya.
NANG mga sandaling iyon naman ay nag-aalala na si Tina dahil hindi pa dumarating si Jinky.
Tinawagan niya si Mulong at pinapunta sa office niya. Nagmamadali naman si Mulong na dumating.
“Bakit, Tina?â€
“Nag-aalala ako kay Mam Jinky. Sundan mo kaya sa Socorro.â€
(Itutuloy)
- Latest