NOONG Linggo, isa ako sa 30 masusuwerteng talents ng GMA Artist Center na pinadalo sa Vales Formations Seminar ni Mr. Anthony Pangilinan. Ang pamagat ng kanyang programa ay “Greatness in Mindset and Action.†Basically ay tinuruan niya kami kung papaano magiging great bilang mga tao, at bilang mga talent pagdating sa aming karera. At ang kanyang pangunahing key point ay maging positibo sa mga bagay na ipinapasok sa aming isipan, para maging great sa gawain at mga kilos. Tama nga naman, hindi puso ang dapat nating baguhin kung gusto nating mabago ang ating buhay, kundi ang isip. Narito ang mga natutunan ko:
1. Compliance vs. commitment: Ang pagsunod dahil napipilitan vs. ang pagbibigay ng buong puso mo sa iyong trabaho. Dedikasyon. Kung gusto mong tumagal sa industriyang kinabibilangan mo, kailangang matuto, i-commit ang oras, atensiyon at pagkatao sa ginagawa.
2. If you give more than what you are paid for, eventually you will be paid more for what you do. Kung lagi mong hinihigitan ang iyong ginagawa, at hindi ito ipinapares lamang sa halagang iyong kikitain, darating ang panahong mas lalaki ang kikitain.
3. Magkaroon ng at most tatlong bagay lamang na kumakain ng iyong oras sa pagtatrabaho. Hindi pwedeng maging focused sa 5, 7 o 10 bagay. Kunwari ako, mula sa pag-arte, pagbi-bake at pagnenegosyo, pagsusulat, pagho-host at pag-public speaking, kailangan kong mamili ng tatlo lamang na talagang pagtutuunan ko ng pansin.
3. Talent + Investment = Strength and success. Kung ano ang talento mo, paglaanan mo ito ng oras upang lalong mahasa at gumaling dito (investment ng workshops, classes etc.) at ang magiging resulta ay magiging kalakasan mo ito. Ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay.
4. Itinuro sa amin ni Sir Anthony ang isang Test o Check list na kailangan naming gawin o konsultahin bago kami umuo sa anumang proyekto, gawain o desisyon. Ang CENTS Test. C-Contribution. May kontribusyon ba ito sa iyong pamilya, buhay; mga benepisyo kang matatamo? E – Excellence. Magaling ka ba rito? N – Natural Ability. Ikaw ba ay pinanganak na may angÂking galing dito, o na kaya mo ba itong gawin kahit na walang pormal na pagtuturo? T – Turn-on. Ikaw ba ay automatically nagagalak at nae-excite sa ideya pa lamang na gagawin mo ito? Passionate ka bang gawin ito? Willing ka bang gawin ito kahit walang bayad? S – Spirit-Leading. Hindi ba ito labag sa iyong konsensiya at prinsipiyo? Kung Oo ang sagot mo sa lahat ng CENTS, i-go mo iyan dahil buo ang iyong puso at pagkatao sa bagay na iyan! Kung may No naman, o kung puro No sa lahat, aba, alam mo na!
Ngayon ang huling installment ng workshop at very much looking forward ako sa mas marami pang aral mula kay Mr. AP! Thank you Lord sa mga ganitong oportunidad!